Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sports Shocked: Ginebra vs Alaska

PIPILITIN ng Alaska Milk na mapanatili ang pangunguna sa PBA Philippine Cup sa kanilang pagtatagpo ng crowd-favorite Barangay Ginebra mamayang 7 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maghihiwalay naman ng landas ang NLEX at Barako Bull na kapwa naghahangad na opisyal na pumasok sa quarterfinals sa kanilang salpukan sa ganap na 4:15 pm.

Kasosyo ng Aces sa liderato ang San Miguel Beer sa record na 8-1 subalit kailangan nilang mawalis ang nalalabing dalawang games upang makadiretso sa semifinals.

Kahit na talunin nila ang Gin Kings ay must-win pa rin sila kontra Rain or Shine (7-2) sa Biyernes upang masungkit ang automatic semifinals berth na nakalaan para sa top two teams sa pagtatapos ng elims.

Humahabol ang Elasto Painters at puwede nilang makuha ang automatic semis slot kung magwawagi sila sa huli nilang dalawang laro.

Ang Aces, na galing sa 90-84 come-from-behind win laban sa NLEX, ay binubuhat nina Calvin Abueva, Sonny Thoss, Cyrus Baguio, JVee Casio at Dondon Hontiveros.

Ang Gin Kings ay natalo sa kanilang huling tatlong laro laban sa San Miguel Beer (79-77), Meralco (109-99) and Globalport (98-77) aat bumagsak sa ikawalong puwesto kasama ng Purefoods sa record a 5-4.

Kung matatalo pang muli ang Gin Kings ay puwede silang dumausdos pababa sa ikapito hanggang ikasampung puwesto na mangangahulugang kailangan nilang talunin ng dalawang beses ang makakaengkwento sa quarterfinals.

Ang Gin Kings aysumasanbdig kina Gregory Slaughter, Japhet Aguilar, Mark Caguioa, LA Tenorio at Chris Ellis.

Ang NLEX at Barako Bull ay kapwa may 3-6 karta at kailangang magwagi upang makaiwas sa kumplikasyon sakaling manalo ang Kia Sorento (1-8) sa huling dalawang laro nito.

Ang Road Warriors, na pinamumnunuan nina Paul Asi Taulava at Mark Cardona, ay galing sa dalawang masasakit na pagkatalo. Pinayuko sila ng Rain or Shine at Alaska Matapos na lumamang sila sa huling dalawang minuto.

Ang Barako Bull ay galing sa 97-82 panalo kontra Blackwater Elite. Si Energy coach Koy Banal ay umaasa kina Dennis Miranda, Mick Pennisi, Carlo Lastimosa at Jake Pascual.

 

ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …