ni Roldan Castro
WALANG kaso kay Andrew E kung batikusin siya o mabigyan ng double meaning ang bago niyang kanta na Singhutin Mo Baby na tampok sa kanyang bagong album entitled Andrew E. #SINGHUTINMOBABY.
Baka isipin ng iba kung anong drugs ang sinisinghot pero ang nasabing kanta ay ginawa ni Andrew para maging slogan or tagline ng Exped Socks na endorser sila ni Regine Tolentino.
Ayon pa sa rapper, wholesome ang bago niyang kanta at saka na raw siya gagawa ulit ng mga kontrobersiyal na kanta.
”Me and Regine were being asked to put up a strong word that would happen to be used as a ralying statement for the commercial ad. So I thought of a very strong phrase and ‘Singhutin Mo Baby’ was born,” paliwanag ni Andrew sa launching ng nasabing album.
”Then a little bit after that, when the commercial came out, it spread and even became a Twitter’s Trending Tag (TTT) worldwide when the Gilas Pilipinas games where being shown on TV,” sey pa rapper-singer-actor-composer.
At dahil dito, naisip ni Andrew E at ng Exped Socks na mag-collaborate para mag-produce ng bagong album at heto na nga ang Andrew E. #SINGHUTINMOBABY album under Dongalo Wreckords.
For the record, nakaka-47 album na si Andrew E at hindi na rin mabilang ang kanyang mga hit song.