Monday , December 23 2024

Sakuna sa kalsada nauwi sa barilan, 4 sugatan

120214 gun candelariaHumantong sa pamamaril ang aksidente sa kalsada sa Candelaria, Quezon kamakalawa na nagresulta sa pagkasugat ng apat biktima.

Nabatid na binabaybay ng isang motorsiklong minamaneho ni Ronald Malabanan, 36, ang kahabaan ng Brgy. Sta. Catalina Norte lulan sina Patricia Satumba, 10, at Evangeline Satumba, 50, nang mag-overtake siya sa mga sasakyan sa kanyang unahan.

Pagkaraan ay dumiretso si Malabanan sa kabilang linya ng kalsada upang pumarada sa bakuran ng bahay ng kanyang mga pasahero.

Ngunit biglang sinalpok ng isang kotse na minamaneho ni Rodelio Supata ang naturang motorsiklo na noo’y nag-overtake rin sa nasa unahang sasakyan.

Bunsod nito, tumilapon sa kalsada ang mga backrider ni Malabanan na nagkaroon g sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad tumigil si Supata upang tulungan ang mga biktima at tinangka sanang isakay sa kanyang kotse si Evangeline nang biglang lumabas ang magkapatid na anak ng biktima na sina Bryan at Albrin.

Nagalit ang magkapatid nang makita ang pinsala ng kanilang mga kaanak kaya pinukpok ang hood ng kotse ni Supata.

Hindi nakontento ang dalawa at kumuha ng baril bago pinaputukan ang kotse ni Supata na tinamaan ng bala sa kanyang balikat.

Natamaan din ng bala ng baril ang kanyang pinsan na si Jeffrey Supatan sa binti kaya pinilit ng biktima na paandarin muli ang kanyang sasakyan at tumakas.

Dumiretso sa ospital ang mga biktima habang naitakbo rin sa pagamutan ang mga nasugatan sa aksidente sa kalsada.

Pinaghahanap ng pulisya ang magkapatid na tumakas makaraan ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *