Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rox Tattoo (Part 31)

Ang kirot sa sugat ni Rox ay napapawi sa pag-inom niya ng pain reliever. Pero magang-maga pa rin ang kanyang binti. Hindi niya mailakad iyon. Kaya nga ang mag-inang Aling Goring at Jepoy ang naisip niyang papupuntahin sa bahay ni Jakol. Ibibigay niya sa asawa’t anak ng kanyang namatay na ka-buddy ang salaping dapat nitong makaparte sa kanilang ‘trabaho.’ At kung magkano man ang halagang iyon ay gayong halaga rin ang ipahahatid niya sa mag-ina sa pami-pamilya nina Dogie, Tikboy at Rando.

Bago manghalian ay nabalikan na si Rox nina Aling Goring at Jepoy. Ipinasuot niya sa mag-ina ang mga bagong biling kasuotan. Inutusan niya ang mga ito na dalhin ang pera sa mismong tirahan ni Jakol at ng tatlo pa niyang kagrupo pagkatapos nilang mananghalian. Isinulat niya sa ibabaw ng apat na brown envelop ng pera ang bawa’t pa-ngalan at address na dapat tumanggap niyon. Tig-dalawang daan at limampung libong piso ang kanyang inilaan sa kada naulilang pamil-ya.

“Pa-sikreto n’yong iabot ang envelop ng pera sa mga misis ng bahay na pupuntahan ninyo. At ‘pag sumakamay na nila ‘yan ay bigla na lang kayong umalis nang wala nang sali-salita pa…” ang kabilin-bilinan niya sa mag-ina.

Bandang hapon na nang makauwi ng tira-han ang mag-inang Aling Goring at Jepoy.

“Misyon akomplis…” ngiti kay Rox ng binatilyo na bahagya pang sumaludo.

“Maraming salamat,” ganting ngiti niya.

Gusto sana ni Rox na makipagkita kay Daday. Pero maraming problema kung uuwi siya sa inookupahan nilang apartment. Pihong may mga matang nakaabang sa kanya roon at madadakma siya nang ‘di oras. Wala naman siyang pangkontak sa ka-live-in dahil nawawala ang kanyang cellphone. Posible kasing naiwan niya iyon sa minanehong get-away car o nalaglag sa kanyang bulsa sa pagtatakbo. At hirap pa rin siyang maihakbang ang sugatang binti dahil sa pamamaga.

Makalipas ng ilang araw ay nakatatayo na siyang mag-isa sa tulong isang putol na kahoy na ginawa niyang tungkod.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …