Kinalap ni Tracy Cabrera
NAGBIGAY-BABALA ang nagliliyab na mga lava fountain at sumisirit na poisonous gas, dagliang lumitaw ang bagong lava lake sa ibabaw ng pinaka-aktibong bulkan sa Africa sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 75 taon.
Nanunuot pailalim ang lava lake sa bulkang Nyamuragira sa Democratic Republic of the Congo (DR Congo) sa kailaliman ng tuktok ng North Pit Crater. Habang sumisirit at humuhupa ang lava, naniniwala ang mga siyentista na sa kalaunan ay magiging isang pangmatagalang lava lake ito.
Sa ngayon, “napakaliit at bumubulwak na bubbling lava lake,” wika ni Benoit Smets, volcanologist sa European Center for Geodynamics and Seismology sa Luxembourg. “Bigla itong nawawala at mu-ling lumilitaw, pero kapag nagpatuloy ang aktibidad na nagaganap ngayon sa bulkan, magkakaroon tayo ng isang lava lake tulad ng mayroon tayo sa (kalapit na bulkan) Nyiragongo sa loob ng ilang taon o dekada.”
Ang Nyamuragira at kalapit na Nyiragongo ay bahagi ng Virunga volcanic chain sa East African Rift na hindi ka-layuan sa Lake Kivu a border ng DR Congo sa Rwanda. Ang dalawa ay kabilang sa ilang bulkan sa mundo na may lava lake na tumatagal nang dekada. Ang huling molten pool ng Nyamuragira ay naubusan ng lava noong 1938 sa kamangha-manghang paraan, rumaragasa ang lava mula sa bunganga nito sa itaas para dumaloy ng may 18 milya (30 kilometro) patungo sa Lake Kivu.
Ang pinakabagong lava lake ay matatagpuan sa ilalim ng 1,650-talampakan ang lalim (500 metro) na crater na naiwan ng pagbaha ng lava.