ni Ed de Leon
HINDI pa naman final and executory ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni ER Ejercito. Tiyak naman iyan na magpapasa ng motion for reconsideration ang kanyang mga abogado. Pero kung sakali man at pagtibayin ng Korte Suprema ang pagkatig nila sa desisyon ng Comelec sa diskuwalipikahin na siya for any public office, makabubuti naman iyon para sa kanyang career bilang isang actor.
Simula noong maging governor siya, “once a year actor” na lang siya eh. Ngayon mas mahaharap niya ang paggawa ng pelikula. Malaking tulong din iyon sa industriya. Natulungan na rin naman niya iyong mga kababayan niya sa Laguna, panahon naman siguro para tulungan niya ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula na marami ang jobless dahil kakaunti na nga ang gumagawa ng pelikula.
Marami kasi roon sa mga artistang aktibo sa pelikula noong araw ay naging mga politiko rin eh. Palagay namin magiging maganda kung si ER ay babalik na lang ng tuluyan sa showbiz.