Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joyce Bernal, in-demand kapag MMFF

ANG bongga ni Direk Joyce Bernal dahil in-demand siya kapag Metro Manila Film Festival.

Maraming producers pala ang kumokontak sa kanya kaya kung gusto mong makuha ang serbisyo ng box-office director, eh, Enero palang kontratahin mo na siya.

Tanda namin noong 2013 ay tatlong pelikula sana ang ididirehe ni direk Joyce, ang My Little Bossings, Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel, at 10,000 hours pero base sa regulasyon ng MMFF ay isang pelikula lang dapat sa bawat direktor.

At dahil naumpisahan na ni direk Joyce ang 10,000 hours ni Robin Padilla na humakot ng awards sa nakaraang MMFF ay nag-beg off na siya sa dalawang pelikula.

Kaya ang nagdirehe sa My Little Bossings ay si Marlon Rivera at si direk Chris Martinez naman sa Kimmy Dora: Kyemeng Prequel.

Say nga ni direk Joyce sa grand presscon ng My Big Bossing ni Vic Sotto, maaga palang ay kinausap na siya ni Mr. Tony Tuviera (ATP Productions) at bossing Vic na siya nga ang kukunin nilang direktor.

Si direk Joyce ang nagdirehe ng Prinsesa episode sa My Big Bossing.

Unang beses magkakatrabaho sina direk Joyce at bossing Vic kaya tinanong namin ang experience niya kung paano katrabaho ang TV host/actor/producer at paano niya ikukompara si Robin.

“Si bossing (Vic), madaling kausap, hindi tumawad sa talent fee ko, wala akong masyadong hiningi sa produksiyon kasi ibinigay na nila. Alam nila ‘yung scope ng movie at napakasarap ng food sa set. Napaka-cool niya at considerate, ‘yan ang boss! Kaya siya bossing.

“Si Robin at bossing ay sana makatrabaho ng mga bagong direktor kasi sila ang nakaiintindi ng paggawa ng pelikula kaya ang buong suporta nila ay buong-buo,” pahayag ng small but terrible director.

May pagkakaiba raw sina Vic at Robin, “si bossing cool! Si Robin passionate!”

Sino ang mas gusto ni direk Joyce katrabaho?

“Honest, pareho ko silang gusto, si Robin kaibigan, si bossing kakaibiganin pa lang,” say sa amin.

Kaya looking forward daw ang nasabing direktor na muling maka-trabaho ulit si bossing Vic sa mga susunod nitong pelikula na ganito rin ang sinabi ng huli na masusundan daw ulit ang pagsasama nila dahil magaan at madaling kausap ang direktor at higit sa lahat, type ng TV host/actor/producer ang sense of humor nito.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …