Sunday , November 17 2024

Cristina, dadalhin ang mga anak at apo sa abroad (Para hindi manganib ang buhay…)

NALUNGKOT kami sa nangyayari sa mag-iinang Cristina Decena dahil parang kailan lang ay napupuntahan nila ang mga lugar na gusto nilang puntahan sa Pilipinas, pero ngayon ay para silang mga bilanggo dahil may panganib sa kanilang buhay.

Noong isang taon ay muntik mamatay si Cristina dahil tinambangan siya ng hired killer at umamin daw na kinontrata siya ng mga kalaban ng negosyante sa negosyo at kasalukuyang dinidinig ang kaso sa hukuman.

“Actually, hinihintay ko na lang ang desisyon, Reggs, humingi na ako ng tulong sa DOJ (Department of Justice) kasi kompleto naman ang ebidensiya ko,” say ng negosyante.

Paliwanag pa, “mahirap kasi rito Reggs, wala kaming katahimikang mag-iina, hindi kami makalabas ng gusto namin, hindi kami makalabas ng hindi naka-bullet proof ang sasakyan, kailangan magkakasama kami o kaya ‘yung iba nasa bahay lang.

“Hindi na kami makapag-malling na ginagawa rati namin ng mga anak ko, eh, hindi naman habambuhay na ganito Reggs, kaya sabi ko sa kanila, masakit sa akin na magkakahiwalay tayo, pero kung kaligtasan naman ng bawa’t isa, eh, okay na ako kaysa malagasan ako ng anak o apo.

“Kaya inaayos lang namin ang mga papeles nila at doon na sila maninirahan, tutal may bahay naman kami sa abroad.”

Dagdag pa, “dadalawin ko na lang sila roon, Reggs, mas madali para sa akin na pumunta roon, kaysa sila ang dumalaw sa akin dito.”

Naikuwento pa na maski sa ibaba lang ng building kung saan sila nakatira ay hindi rin ligtas.

“Gutom na gutom kasi ako, eh, may tiangge sa ibaba ng building at maraming tindang pagkain, ang sasarap kaya bumaba ako at bumili, tapos naalala ko na maraming tao, kaya bigla akong akyat (condo), natakot akong bigla. Hindi kasi alam ng mga bodyguard ko na nakababa ako, nasalisihan ko sila,” tumatawang kuwento sa amin.

Hindi puwedeng mag-migrate rin sa ibang bansa si Cristina dahil marami siyang negosyong maiiwan dito, lalo na’t maganda ang ratings game ng programa nila ni Venus Raj na Business Flight na napapanood sa GMA News TV, local Cable Channel 11 at Sky Cable Channel 24 sa ganap na 11:30 a.m..

Nasa ikalawang season na ang Business Flight na rati’y 9:00 a.m. ito napapanood, “mataas ‘yung ratings namin kaya napunta na kami sa 11:30 a.m. slot, dati kasi 9:00 a.m., tulog pa ang mga tao at nangangatok ako sa text, kaya nakadikit sa ‘Balitang Tanghali’.

“Sa 1st season, ipinakita ni Venus ‘yung buong Palawan, Japan, Shanghai, Beijing, Bangkok. Ipinapakita namin ‘yung success story ng mga OFW sa iba’t ibang bansa para maging inspirasyon sa lahat.

“Ipinakikita rin namin ‘yung mga pagkain ng bawat bansa, kultura, tanawin nila kung paano gagastahin ang pera roon,” pahayag ng negosyante.

Ipakikita raw nina Cristina at Venus ang Singapore, Los Angeles, Las Vegas, San Francisco, Mexico, Japan ulit, may probinsiya na hindi pinapansin doon tapos Korea at Bangkok sa ikawalang season na nagsimula noong Sabado, Nobyembre 29.

Hindi malilimutan ni Cristina ang bansang Mexico, “ang ganda roon, wala palang nagpi-feature kasi delikado raw. At noong umalis kami at saka ko lang naisip na delikado pala roon at puwede akong ma-kidnap, buti na lang nakaalis na kami, kasi kasama ko ang buong pamilya ko.

“At least na-feature ko na ‘pati ‘yung No Man’s Land, kasi ang mga taong Mexicano na nagpunta ng Amerika at gumawa ng krimen sa Amerika ay ibinabalik pala sa Mexico, eh, ayaw na ring tanggapin sa Mexico dahil hindi naman sila talaga citizen ng Mexico kundi mga magulang lang nila kaya gumawa sila ng community sa borderline ng Mexico at Amerika, kaya pati ‘yun nakunan namin, nakakatuwa.

“Bawal kunan, eh, nandoon na ako, eh, nilakasan ko lang ang loob ko at nag-interview pa ako ng mga taong naroon.”

Samantala, sobrang tuwa naman din ng negosyante dahil sa ika-52 kaarawan niya noong Sabado ay binigyan siya ng surprise party ng mga anak niya na talagang ikinagulat niya.

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *