Friday , November 15 2024

Banta ni ER kay PNoy inismol

120214 pnoy ERMINALIIT ng Palasyo ang banta nang napatalsik na si Laguna Gov. ER Ejercito na gusto niyang makitang nakakulong si Pangulong Benigno Aquino III at magbabalik siya sa politika sa 2016.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., hindi nangangamba ang Malacañang sa ano mang banta dahil ipinaiiral ng administrasyong Aquino ang Saligang Batas at lahat ng mga batas ng bansa.

Iginiit ni Coloma, ang pagpapatalsik kay Ejercito ay desisyon ng Commission on Elections (Comelec), isang independent constitutional body at kinatigan ng Korte Suprema.

Binigyang diin ni Coloma, si Pangulong Aquino at mga miyembro ng gabinete ay naglilingkod ayon sa pagtitiwala ng mga mamamayan at sinusunod ang rule of law.

“Sa parte ng Pangulo at ng mga miyembro ng Gabinete, kami ay naglilingkod ayon sa pagtitiwala ng ating mga mamamayan at sinusunod ang Saligang Batas at lahat ng mga batas ng bansa. Kaya’t hindi naman kami nangangamba sa ano mang banta na katulad ng kanyang sinabi dahil ginagawa namin ang aming tungkulin nang naaayon sa batas at nang buong katapatan sa madlang Filipino,” sabi ni Coloma.

Sa panayam kay Ejercito sa Second Ginto ng Palad for Public Service awarding ceremonies ng Movie Writers’ Welfare Foundation noonga Sabado, ibinulalas nang napatalsik na Laguna governor ang kanyang himutok laban kay Pangulong Aquino na aniya’y pinag-iinitan ang kanilang pamilya.

Si Ejercito’y tinaggal sa pwesto dahil sa labis na paggasta noong 2013 elections.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *