Monday , December 23 2024

1,158 metric tons ng bigas nabulok sa La Union

120214 bigas bulokLA UNION – Umaabot sa 19,292 sako o katumbas ng 1,158 metric tons ng nabu-bulok na bigas ang ibabaon ng mga kawani ng National Food Authority (NFA) sa bakanteng lote ng Brgy. Paraoir, sa bayan ng Balaoan, sa lalawigan ng La Union.

Ang mga nasirang bigas ay galing sa bodega ng NFA sa bayan ng Bangar sa lalawigan.

Kapansin-pansin na ina-amag at nangangamoy na ang itinapong tone-toneladang bigas na halos hindi magkasya sa ginawang malaking hukay.

Samantala, nilinaw ni NFA La Union provincial manager Nicanor Rosario, hindi pag-aari ng pamahalaan ang nasirang produkto.

Ayon kay Rosario, ini-angkat ang naturang mga bigas mula sa bansang Vietnam upang magsilbi sanang karagdagang suplay sa bansa.

Ipinaliwanag ng opisyal na nasira ang sako-sakong bigas nang mabasa nang sumadsad at mabutas ang barkong MV Vinh Hoa sa bahagi ng Lingayen Gulf na nagbiyahe sa mga ito noong Disyembre 2013.

Mariing iginiit ng opisyal na hindi binayaran ng NFA ang nasirang bigas at ‘yon lamang ang magandang ka-lidad na produkto ang nabayaran sa pamahalaan ng Vietnam.

Beth Julian

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *