LEGAZPI CITY – Nanindigan ang alkalde ng bayan ng Bulan sa Sorsogon na mananatili siya sa kanyang pwesto sa kabila ng ipinalabas na 90-days suspension order ng Sangguniang Panlalawigan (SP).
Ayon kay Bulan administrator Jamer Honra, mananatili si Mayor Marnellie Robles base sa Administrative Order 22 s. 2011.
Samantala, unti-unti nang mas nagiging malala ang sitwasyon sa bayan nang maglagay ng barikada ang mga supporter ng alkalde sa munisipyo.
Nanawagan silang hadlangan ang pag-upo ni acting Mayor Patricia “Tessie” Guran na nanumpa na kamakalawa bilang pansamantalang kahalili ni Robles.
Dahil dito, nakaalerto ang mga awtoridad sa posibleng tensyon ng mga supporter ni Robles at ng pansamantalang uupong chief executive na si Guran.
Ayon kay Robles, ang hindi niya pag-alis sa pwesto ay dahil sa ape-lang kanyang inihain sa Office of the President at dahil din sa pagtutol ng kanyang mga taga-suporta.
Epektibo kahapon ang pag-upo bilang al-kalde ni Guran at inaasahasang titindi pa ang tensiyon.
Una rito, sa desis-yon ng SP, guilty si Ma-yor Robles sa kasong isinampa ni Municipal Councilor Crisostomo Gotladera kaugnay sa paggamit ng pondo ng gobyerno para sa kanyang dalawang anak na nag-aaral sa De La Salle College of St. Benilde.