Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sikat na personalidad, na-hold sa airport; VIP treatment, wala na!

00 blind item

TIYAK na nanibago ang sikat na personalidad kasama ang kanyang BF dahil sa nawalang VIP treatment sa kanila sa tuwing dumarating sila ng bansa galing abroad.

Paano’y na-hold ang dalawa at binulatlat pa ang mga dala-dalang bagahe.

Ayon sa mapagkakatiwalang source, nakatimbre na raw ang magdyowa dahil nakapagpapasok pala ang mga ito ng mga beauty product everytime na manggagaling abroad. Bukod dito’y ni hindi nabibigyan ng kaukulang tax ang mga dala-dala nilang produkto bukod pa sa bawal ipasok sa bansa.

Dati raw ay dire-diretso ang magdyowa kapag lalapag na ng airport gayundin ang kanilang mga bagahe na hindi na iniinspeksiyon.

Pero this time, ipinag-utos daw na bulatlatin ang mga dala-dalahan ng mga ito. Wala namang beauty product na daka ang magdyowa, pero may signature bag kaya ‘yun ang binigyan ng tax.

Bukod dito, tila nagalit pa raw ang BF ni sikat na personalidad dahil kinunan ng video ang mga naganap sa airport. Nagbanta raw itong kapag hindi itinigil ay magdedemanda siya.

Ang taray ‘di ba?! Can afford naman kasi nilang magdemanda ng magdemanda dahil marami silang dahtung. Ilang beses na raw kasing nakapagpasok ng mga produkto ang sikat na personalidad na walang tax na binabayaran.

‘Yun na. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …