Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rox Tattoo (Part 30)

00 rox tattoDUMAPO SA HARAP NG MGA DIYARYO ANG MUKHA NI ROX AT NAKILALA SIYA NG MAG-INA

At siyempre’y gustong mabawi ng mga tiwaling opisyal ng pulisya ang malaking halaga ng salaping tangay-tangay niya sa pagtakas.

Kinabukasan ay naging pangunahing balita sa radyo, telebisyon at diyaryo ang pagkapaslang ng pangkat ni Major sa mga kasama-han ni Rox. Lumabas pang magigiting na pulis makaraang ‘masabat at maka-enkwentro ang notorious bank robbery-hold-up gang.” Naroon sa frontpage ng isang tabloid ang larawan ni Rox bilang lider ng mga holdaper na pinaghahanap ng batas. At bagama’t sugatan, umano’y naitakas pa rin niya ang salaping laman ng banko na ‘di kukulangin sa dalawang milyong piso.

Hindi pa bilang ni Rox ang kabuuang halaga ng perang pinagtayaan ng buhay nina Jakol, Dogie, Tikbo at Rando. Nang damputin niya ang bag ng paldo-paldong salapi ay biglang nabuhay sa gunita niya ang ka-buddy na si Jakol. Napaluha siya. At sa pagpatak ng luha sa kanyang mga mata ay naalala niya ang mahabang panahong pinagsamahan nila nito sa bilangguan at sa buhay-laya. Nakini-kinita niya na pagkasaya-saya sa piling ng asawa at kaisa-isang anak. At umalingawngaw tuloy sa utak niya ang mga pangarap nito para sa pinakamamahal na pamilya: “Gusto ko, Kosa, pagdating ng araw ay mahango ko na sana sa kahirapan ang mag-ina ko. At kung pupwede nga lang sana ay maibigay ko sa kanila ang pinaka-da best sa mundo…”

Binuksan ni Rox ang bag ng pera. Inabutan niya ang mag-ina ng halagang dalawampung libo.

“Kumain kayo sa labas.. tapos, mamili kayo ng mahusay-husay na mga damit at gamit n’yo,” aniya sa binatilyo na nakilala niya sa pangalang “Jepoy.”

Natulala ang mag-ina nang makahawak ng napakalaking halaga.

“Lakad na kayo, Jepoy,” tapik niya sa balikat ng binatilyo. “At sa pagbalik n’yo ni Na-nay ay may iuutos ako sa inyo.”

“Gregoria ang pangalan ko, Rox… Pero mas kilala ako sa Aling Goring…”

“P-paano po n’yo nalaman ang pangalan ko, Nanay Goring?”

“Kahit paano ay marunong din naman akong bumasa at sumulat… Nabasa ko kanina sa diyaryo ang pangalan mo…” (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …