Kinalap ni Tracy Cabrera
MAAARING tanghalin ang Pilipinas bilang isa sa pina-kamayamang bansa sa Asya, kasunod ng pagkakadiskubre ng pinakamalaking palladium reserve sa buong mundo sa tapat ng mga baybayin ng Negros, Panay, Mindoro at Romblon, sa katimugan ng Luzon.
Inilabas ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), kasama ang United States Geological Survey, ang isang 3-year study report na nagdede-talye sa 8,450 kilometro kuwadradong palladium deposit na nasa ilalim ng mga karagatan ng Visaya, Sibuyan, at Tablas Strait.
Sa kasalukuyan, pinakamalaking producer ng palladium ang bansang Russia na nagtala ng 44 porsyento, kasunod ang Africa sa 40 porsyento, at ang nalalabing Canada at Estados Unidos. Kung papayagan ng pamahalaang Pilipinas ang mga foreign investor na hukayin at minahin ang palladium deposits, makakaasa ang bansa na kumita ng US$9.8B kada taon sa net profit, nakasaad sa report.
Batay sa kalkulas-yon ng USGS, ang ka-buuang deposito sa Pi-lipinas ay mahigit 2 porsyento kaysa Russia na may kabuuang volume na umaabot sa 3.8 milyong metrikong tonelada. Ang kasalukyang presyo ng prosesong 99.9 ca-rats ng palladium ay nasa $24,570 kada kilo. Ang kabuuang kalkulasyon ng presyo para sa kabuang deposito sa Pilipinas ay sinasabing nasa US$93B, o 410 trilyong piso.
Ang palladium ay isa sa pinakamamahalin at pambihirang metal na ginagamit ng mga alahero, at maging sa electronics at automotive bilang catalytic converters.