Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Performance Ni Manoy Eddie Garcia sa “The Gift Giver” sobrang galing, Inaabangang morning Christmas serye Mapanonood na ngayong Lunes


120114 Eddie Garcia xmas

00 vongga chika peterBeterano na pagdating sa pag-arte si Manoy Eddie Garcia, at kaliwa’t kanang acting awards na rin ang tinanggap niya.

Pero rito sa unang handog na regalo ng Dreamscape Entertainment para sa kanilang Give Love On Christmas na “The Gift Giver,” lahat ng mga nanonood ng special screening ng nasabing Christmas serye, hindi napigilang mapaiyak sa mga eksena ni Tito Eddie bilang si Ernest, isang ama na walang ibang hinangad kundi ang magkaroon ng masayang pamilya. Ngunit sa kabila ng kanyang mga sakripisyo upang magkaroon sila nang maayos na pamumuhay, unti-unting mapapalayo kay Ernest ang kanyang mga anak nang mawala ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Laura na ginagampanan ni Alicia Alonzo. Si Louise Abuel na adopted son ng mag-asawa ang tanging natira kay Ernest na nagpasaya, nagmahal at nagbigay pag-asa sa malungkot na buhay ng nasabing ama. Siguradong maraming tatay ang makare-relate sa character ni Tito Eddie lalo na sa mga iniwan ng kanilang mga anak dahil nagkaroon na ng sarili nilang pamilya. Pagdating sa mahahalagang okasyon tulad ng Pasko ay di na alam kung sino ang pipiliin? Layunin ng teleserye na maipakita sa lahat kung gaano kahalaga sa mundong ito ang isang ama kaya dapat minamahal, inaalagaan, hindi iniiwan, at pinababayaan. Bukod kay Louise ilan pa sa mga gumaganap na anak ni Tito Eddie sa The Gift Giver ay sina Aiko Melendez, Dimples Romana, at Carlo Aquino. Part rin ng show sina Nadine Samonte at Gerald Madrid, sa ilalim ng direksyon ni Jerome Pobocan. Hitik sa drama ang The Gift Giver kaya tiyak na maantig ang lahat sa mga tagpong mapanonood ninyo araw-araw. Palabas na ang bagong daytime serye simula ngayong Lunes pagkatapos ng The Singing Bee. Ito ang pumalit sa naiwang timeslot ng most successful morning kilig-serye na Be Careful With My Heart.

Don’t fail, to watch this Christmas serye gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …