Friday , November 15 2024

NBI Director Mendez, the man with a golden heart

00 parehas jimmyMARAMING humanga kay NBI Director Atty. Virgilio Mendez dahil sa kababaan ng kanyang loob lalo na sa kanilang mga project gaya ng Golf Tournament, Gun Shooting Competition at iba pang project na ang kinita ay para sa mga empleyado ng NBI at sa mga nasalanta ng kalamidad.

He is a generous man at para mapaligaya ang mga empleyado, pamilya nila, kaibigan at media ay nagpalabas siya ng Pacquiao-Algieri fight sa NBI gym.

Nagbunyi ang buong NBI sa pagkakapanalo ulit ni Pacquiao.

Si Director Mendez ay tinaguriang the hardworking NBI Director.

Patuloy pa rin ang magandang accomplishment ng NBI sa ilalim ng pamumuno ni Mendez.

The best pa rin ang NBI! At siyempre hindi magtatagumpay ang NBI kung wala ang suporta ng rank-and-file employees.

Kaya binabati natin ang mga nakatanggap ng award sa nakaraang NBI anniversary partikular na ang mga elite force gaya ng Anti-Organized Transnational Crime Division at Reaction Arrest Interdiction Division.

Binabati rin natin ang buong Forensic Chemistry Division, ang best division sa NBI na pinamumunuan ni Neva Doya.

Ganoon din ang Assistant Director at mga Deputy Directors.

Mabuhay ang NBI.

Magagaling na customs officials

Maganda ang performance ni Atty. Leovigildo Dayoja dahil malaking tulong siya bilang BoC Deputy Collector ng Assessment ng Port of Manila. Lahat ay kanyang ginagawa para matulungan si Comm. John Sevilla.

Talagang mahusay siya simula pa noon at wala tayong masasabi sa nasabing opisyal dahil wala siyang reklamo sa pagseserbisyo sa bayan at isa siyang marangal na kawani ng gobyerno.

Kahit saan dalhin ay nagagawa niyang mahusay ang kanyang trabaho kaya naman marami ang bilib sa kaniya.

Ipinapatupad niya ang Bureau reform program na nagsisilbing gabay nila sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy.

Kaya maganda ang samahan nila sa Port of Manila at lahat ng utos ni Collector Mendoza ay kaniyang nagagawa.

Mabuhay ka Atty. Dayoja.

***

Sa Customs NAIA naman ay talagang magagaling ang Deputy Collectors ni District Collector Edgar Macabeo dahil silang lahat ay nagkakaisa para makamit ang kanilang target collection at pagsugpo sa smuggling.

Gaya ni Deputy Collector ng Assessment Emer Aceron na sa kanyang experience sa pinanggalingan ni-yang mga dating trabaho ay nagagampanan niya nang maayos ang kanyang trabaho kaya marami ang bilib sa kanya. Si Deputy Collector for Administration Atty. Kriden Balgomera ay magaling at mahusay din na opisyal ng BOC-NAIA. Marami ang hanga sa kaniya dahil siya ay palakaibigan at lahat ay sumusunod sa kaniya. Inaayos rin niya ang kapakanan ng empleyado sa NAIA.

Si Deputy Collector for operation Dr. Nerza Rebustes ay talagang maasahan sa lahat at kaya naman lagi niyang pinaghuhusay ang kanyang trabaho. Kaya naman hanga sa kanya si Coll. Macabeo. Very soft spoken, masipag at matalino. Si Deputy Collector Francisco Matugas naman ng Pair Cargo ay mahusay rin ang serbisyo publiko. Kanyang ipinapatupad ang programa ni Coll. Macabeo. Maganda rin ang kanyang collection performance. Sa lahat ng mga taga BoC-NAIA sa pamumuno ni District Collector Macabeo, keep up the good work!

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *