Thursday , December 26 2024

Masaya nga bang magreretiro si Chairman at 2 Commissioners? (I-lifestyle check sina Brillantes, Yusoph at Tagle …)

00 Bulabugin jerry yap jsyKAY bilis talaga ng panahon …

Mantakin ninyong dalawang buwan na lang pala ‘e lalayas ‘este magreretiro na sina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., Commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle.

Sa Pebrero 02, 2015 na umano magreretiro ang dalawang commissioner kasabay ni chairman.

Ang dialogue nga no’ng mga sobrang desmayado sa lumutang na 3-million division (discounted pa raw yan?!) sa administrasyon ni Brillantes ‘e … “Hay naku, salamat naman …”

Aba hindi lang ‘yang isyu ng 3-million division, ‘e ‘yung lunch date pa nina Yusoph at Tagle kay dating deputy Speaker Arnulfo Funtebella na pinabaunan sila ng tig-isang paper bag na ‘pili nuts’ daw, hindi pa namamatay ang isyung ‘yan.

At may kasunod pang tanong ‘yan, hindi kaya dumiskarte ng pabaon ang tatlo?!

Ang tanong na ‘yan ay patuloy na pinag-uusapan ngayon sa mga coffee shop lalo na nga’t gustong palitan ni Brillantes ang mga PCOS na SMARTMATIC pa rin ang supplier at iginiit ang pagbili sa P1.2-billion lote para umano sa bagong gusali ng Comelec.

Tsk tsk tsk …

Marami-rami na rin ‘yang pambaon na ‘yan, ‘di ba?

Pero in fairness kina Brillantes, Yusop at Tagle, hindi kaya mas mabuting i-lifestyle check sila bago magretiro nang sa gayon ay maging malinis naman ang kanilang paglayas este pag-alis sa government office?

Aba, e paano naman magiging maligaya ang kanilang pagreretiro kung tuwina ay may nagdududa sa kanilang ‘paglilingkod’ sa sambayanan.

Sa palagay natin, e mas gugustuhin nina Brillantes, Yusoph at Tagle na ngayon sila maisalang sa lifestyle check kaysa kung kailan sila nagretiro na at nakabinbin ang kanilang retirement package …

Pero sabi nga ng isang urot, barya lang ‘yang retirement package na ‘yan.

Ang sakit naman!?

‘E sa dami nga naman ng problemang kinaharap ng tatlo sa Comelec baka sandamakmak na pain reliever ang nalaklak nila …

Anyway, para sa katahimikan ng tatlong magreretarted ‘este magre-retire, pabor tayo na isalang sila sa LIFESTYLE CHECK.

‘Di ba Chairman Brillantes and Commissioner Yusoph and Tagle?!

Operation vs D’ Czar KTV Bar huwag sanang magaya sa Emperor International KTV!

NANG salakayin ng joint entrapment at rescue operation ng Pasay City police, Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) at National Bureau of Investigation (NBI) ng Department of Justice (DoJ) ang D’CZAR KTV bar na matatagpuan sa Roxas Boulevard, Pasay City, 70 kababaihan daw ang ‘nailigtas.’

Isasailalim umano sa dental examination ang nasabing kababaihan dahil hinala ng mga awtoridad, marami sa kanila ang menor de edad.

Ibig sabihin mayroong mga sasampahan ng kasong human trafficking habang ‘yung mapatutunayan na menor de edad ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

E sino ngayon ang sabit sa human trafficking?!

‘Yung itinuturong may-ari na isang PABLO MERCADO e nasampahan na ba ng kaso?!

Sana lang ‘e huwag matulad sa Emperor International KTV Bar ang ginawang pagsalakay sa D’ Czar.

Baka naman kasi paglipas lang ng ilang araw ‘e namamayagpag na naman ‘yang D’ Czar.

‘E nakahahalata na tayo d’yan sa mga raid na ginagawa ng IACAT.

Lahat ng ni-raid nila, saglit lang ‘e bukas na naman gaya ng Ms. Universe at Liberty club!

Ano ba talaga ang lakad ninyo IACAT?!

Pakisagot na nga …

Concern sa nawawalang media

SIR morning po c Arlene Mariposque po ito member din ng ALAM under late Rubie Garcia news corres GMA7 Laguna. kamustahin ko po un 2 nawawala media, me identification po b tau para inform ko Pulis Laguna. nabasa ko po sa post n’yo baka makatulong sa mga media dito. tnx Sir, kahit po un suot po nun tao. Tnx.

+63999828 – – – –

Nalilito sa dami ng nagsusulputang relihiyon

TOTOO po nalilito na ang mga tao dahil sa dami nang sektang pangrelihiyon kung pwede po gawan na rin ng batas ito na ‘wag nang payagan na dagdagan pa ito lalo lang pong nagkakaroon nang pagkakampi-kampi ang tao alalahanin po natin mga kababayan ko, iisa lang po ang Diyos at ang tagapagligtas po natin ang kanyang bugtong na anak na si Cristo Jesus. Sana tama na po pagod na rin kami. +63939902 – – – –

Shabu tiangge sa Bagumbong Caloocan (Paging: PDEA)

GOOD am sir, pwde nyo ba kami tulungan kong pano mabulabog ang shabu tiangge d2 sa amin Brgy. 171 Bagumbong. Caloocan City partikular d2 sa Sitio Mangahan at Brilliant View Dist. 2 +6391074 – – – –

Pakitang-taong serbisyo ng mga lespu sa Divisoria

GOOD day sir Jerry Yap tama kayo sa nasulat sa HATAW column nyo ngayon sa task force Divisoria kasi last Friday o Thursday Oct. 9 nasa divisoria ako may mga police na naka mobile car pinaurong kaunti ang mga extended cage unit nila at nagmamadali. Ang gnagawa pala ng mga pulis na yan po ay ok lang masalaula ang lansangan liban lang kung darating ang mayor nila saka lang nila aayusin pakitang tao na pglilingkod ang nangyayari po +63923929 – – – –

Sobrang ingay na motorsiklo isama sa Task Force Disiplina

DITO po sa amin lugar ay my task force disiplina. sana po isama na rin nla ‘yung pagdidisiplina sa mga may ari ng mga motor na sobrang ingay. Ang sobrang ingay ay masama sa mga bata, sa mga baby, sa mga taong may sakit sa puso. +63921859 – – – –

Talamak na video karera, bookies at droga sa Baseco

GOOD morning! Ako po ay concern citizen dito sa Baseco Compound, sakop ng MPD Stn 5, nais ko lng po ipagbigay alam ang patuloy na illegal dito sa ‘min video karera, bookies, at droga, wala pong nanghuhuli ang sabi kasi pasok daw sa PCP at station 5, mga kabataan ang nabibiktima nila, wala naman po kasi aksyon ang station kahit alam nila. Sana po matulungan n’yo kami. ‘Wag nyo na po ilagay ang numero ko kasi baka madamay kami ng pamilya ko, concern lng po. Maraming salamat po! +6391921 – – – –

Matagal nang problema sa loob ng Baseco ‘yan. Maging ang mga patayan na hindi nalulutas ng pulisya. Ano ba ang ginagawa ng barangay chairman diyan!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *