Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lakers tinuka ng Timberwolves

042814 NBA

TALO na naman.

Ganoon ang bulalas ng mga Los Angeles Lakers fans nang yumuko na naman ang kanilang team sa dehadong Minnesota Timberwolves, 120-119 na ginanap sa Staples Center.

Pinagtulungan nina Mo Williams at Thaddeus Young ang opensa ng Wolves nang tumapos sila ng 25 at 22 puntos ayon sa pagkakasunod. Pero ang tunay na bida sa kanila ay nang umangat ang laro ni Zach LaVine na tumikada ng 28 puntos.

Si LaVine na naglaro ng college basketball sa UCLA (University of California Los Angeles) ay kumana ng 11 of 14 field goals at hindi siya nagmintis sa tres na may 2-for-2.

“I was just in the flow and running the floor hard. when any player feels like it’s going in, the hoop looks big. I was just throwing it up and it was going in,” pahayag ni LaVine.

Hindi naman naging sapat para sa Lakers ang 26 puntos, 5 rebounds, 5 assists at limang steals ni Kobe Bryant nang pumaltos ang huli niyang tira bago tumunog ang final buzzer.

Sa kasalukuyan ay may taglay na 3-13 record ang Lakers at nailista nila ang ikaapat namang sunod na pagkatalo para manatili sa hulihan ng team standings ng Western Conference.

Nag-imprub naman ang Minnesota sa 4-10 at tinuldukan nila ang 3-game na pagsadsad.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …