ni Alex Brosas
HINDI na kompleto ang news viewing ng TV Patrol dahil we learned from Chuc Gomez thatKorina Sanchez filed a temporary leave of absence mula sa ABS-CBN mula sa lahat ng kanyang mga news work para sa susunod na taon.
Three months na mawawala si Korina starting January 2015 until March 2015. She needed to concentrate kasi sa kanyang Master of Arts in Journalism studies sa Ateneo de Manila University. At the same time, nag-a-apply din siya ng simultaneous course sa London School of Economics na kailangan niyang bumiyahe sa Europe.
“I’ve talked about this with network management since middle of last year. The bosses were all for it. My advanced studies have taken the backseat for too long and if I don’t do this now, I may never. Kaya nga pinagsasabay-sabay ko na. It’s not easy but I’m optimistic I can do this,”Korina said.
Pero mapapanood pa rin naman si Korna sa kanyang weekly magazine program na Rated K at ang kanyang occasional, award-winning interview show na Up Close and Personal sa ANC. Babalik din si Korina para sa news coverage ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa ngayong Enero 2015. Maraming taon nang kinokover ni Korina ang Vatican at sinundan at tinutukan niya ang Papacy ni Pope Francis mula ng siya ay maupo sa pagka-Santo Papa.