Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahal Kita pero… (Ako’y Isang Aswang) (Ika-16 Labas)

00 mahal kita aswangMATAMIS ANG PAG-IIBIG NILA NI GABRIEL PERO NAGBABANTA ANG PANGANIB SA KANILANG RELASYON

Kinabig ako ni Gabriel sa kanyang dibdib.

“Higit kitang pakamamahalin…” aniya sa pagngisi.

“Weee,” panlalabi ko sa kanya.

“Totoo ‘yun… Aba, kung aswang ka, ‘di pala basta-basta ang syota ko. May pangil na, may pakpak pang gaya ng sa paniki,” halakhak niya sa pagbibiro.

Piningot ko ang tenga niya.

Pamaya-maya ay nagseryoso siya. Hinawakan niya ang magkabila kong panga.

“Nganga…” aniyang itinapat ang mukha sa aking mukha.

“B-bakit?” tanong ko.

“Sisipatin ko kung may pangil ka…”

Ako namang si gaga ay kusa nang nagbuka ng bibig. Tiningnan niya ang mga ngipin ko. Pero laking gulat ko nang bigla na lang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Nasarapan ako. Ninamnam ko iyon sa pagpipikit ng mga mata. At napasinghap ako sa tagal ng aming paghahalikan.

“An’tagal n’yon, a…” sabi ko sa paghahabol ng hininga.

“Hinihintay ko kasing lumabas ang mga pangil mo. E, wala naman…” tawa niya sa pangungurot nang pino sa pisngi ko.

Nakitawa na rin ako sa kanya.

Isang umaga ay pinuntahan ako sa paglalaba sa ilog ng sekretarya ng aming barangay na sinamahan ng dalawang kagawad. Saglit kong iniwan ang pagkukusot sa mga damit na labahin. Tinungo ko sila sa lilim ng malaking punong mangga sa makaahon ng pampang ng ilog.

“Ano po ang atin?” usisa ko sa mga opisyal ng aming barangay.

“Isang pribadong tao ang nagkakainte-res na bilhin ang lupa n’yo,” ang walang ligoy na tugon sa akin ng babaing kalihim.

“W-wala po ‘atang balak si Nanay na ibenta ang lupa namin,” sabi ko.

(Itutuloy)

 

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …