Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Dekorasyon sa dingding salamin ng ating sarili

00 fengshuiANO man ang ating isabit sa dingding, mula sa mga larawan patungo sa salamin at artworks, ito ay nagpapahayag ng kaugnay sa kung tayo ay nasaan at kung saan natin inilalagay ang ating focus sa kasalukuyan. Kung naghahanap ka ng true love, ikonsidera ang mensaheng inihahatid ng mga dekorasyon sa iyong bahay sa mga bisita (kabilang ang romantic prospects) at sa Universe kaugnay sa inyong intensyong magkaroon ng kasintahan.

Narito ang ilang madali at hindi magastos na Feng Shui steps na iyong maaaring gawin upang mailagay ang iyong focus at intensyon sa paghahanap ng true love, at upang mai-reflect ang intensyong ito sa layout ng iyong bahay at mga dekorasyon.

*Ang artwork ba sa iyong bahay ay kumakatawan sa pag-iisa? Ang larawang ito ay hindi nagpapahayag ng iyong hangaring magkaroon ng relasyon. Kung naghahanap ka ng true love, tiyaking ang mga larawang isasabit sa dingding ay kumakatawan sa pareha o pamilya. Iwasan ang larawan ng single people.

*Pumili ng uplifting artwork. Kung ang pagtingin sa larawan ng ibang magkapareha ay nagdudulot sa iyo ng depresyon at nagpapaalala sa iyo ng iyong kakulangan, magsabit ng landscape photos o still-lifes na iyong ikasisiya. Huwag pipili ng solitary objects na parang “nag-iisa.” Mag-ingat sa pagpili ng landscape photos na may kabundukan. Ang imaheng ito ay maaaring magdulot ng pakiramdam na ikaw ay nahaharangan, habang ang paintings ng dagat at open environment ay nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon.

*Iwasan ang pagdi-display ng mga larawan o mementos ng ex-boyfriend o ex-girlfriend. Alisin ang kanilang larawan (kahit maayos ang inyong naging paghihiwalay). Hindi mo kailangan ang enerhiya nang nakaraan na maaaring maging pabigat sa iyo sa paghahanap ng true love.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …