Sunday , November 17 2024

Dingdong,ilalagay sa foundation ang malilikom na regalo

ni Alex Datu

081214 marian rivera dingdong dantes

BASE sa balita, darating lahat ang mga ninong at ninang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang kasal sa Disyembre 30 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao.

Kasabay ang tsika na lahat ng regalong matatanggap ng ikakasal ay hindi gagamitin bagkus ibibigay sa isang foundation.

Bagamat hindi pa ito officially na-announce ng actor, alam na ng mga malalapit sa kanya na ito ang gustong gawin ang aktor. Malalaman naman daw ito kapag naipamahagi na ang mga invitation kasi nakasaad doon kung saan mapupunta ang ireregalong monetaryo.

Ang tinutukoy na foundation ay ang Pinoy Foundation na spear-headed at itinayo mismo ng aktor. Sobrang aktibo ang nasabing foundation sa pagbibigay tulong sa mga Yolanda victim. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pagtulong hindi lang sa pamamagitan ng mga donasyon kundi pati livelihood program.

CHEVROLET MODEL 1978, HINAHANAP NI DONG

Speaking of kasalan, masusing pinag-aaralan ngayon ng mga security force kung paano nila mako-control ang tiyak na pagdagsa ng mga tao para mag-usyoso sa nasabing kasalan ng taon.

Sa kabilang banda, sobrang hands-on si Dingdong sa paghahanda ng mga detalye ng kasal nila ni Marian at may tsika na lumalabas ang pagka-sentimental ng aktor. Siya pala mismo ang namili ng simbahang pagkakasalan nila ni Marian at ito nga ang Immaculate Concepcion na roon din siya bininyagan.

Siya rin ang namili ng gagamiting wedding car at ang gusto nito ay ang vintage ng kanyang Tita na ginamit niya noong nagsisimula siyang mag-aral hanggang sa matutong magmaneho. Isa itong Chevrolet Model 1978. Ang balita, pasalin-salin na ang nagmamay-ari ng kotse pero umaasa siyang matatagpuan ito at nakahanda siyang magbayad ng renta sa halagang gugustuhin ng kasalukuyang may-ari.

OKEY LANG GUMASTOS NG MILYON

Samantala, walang problema kay Dingdong kung gumastos siya ng ‘sky is the limit’ ika nga, para sa kanyang wife-to-be dahil gusto niyang maging pinakasaya ito sa araw ng kanilang kasal. Aprub sa kanya kung maraming magbigay ng party at kahit umabot sa milyones ang isusuot na wedding gown dahil gusto niyang maging most beautiful ang aktres sa kanilang kasal.

Kasama si Marian sa Metro Manila Film Festival entry nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon na My Little Bossing na may tatlong episode, ang Sirena, Taktak, at Prinsesa. Trilogy ang pelikula at sa episode na Taktak ay ididirehe ni Marlon Bautista siya lalabas kasama si Jose Manalo. Good idea ito para sa amin dahil ito mismo ang magiging huling pelikula ng aktres bilang single at tamang-tama, palabas ang pelikula sa araw ng kanilang kasal ni Dingdong.

MY LITTLE BOSSING, HULING MOVIE NI MARIAN

Medyo hindi lang kami aprub sa billing ng aktres sa pelikula considering na isa siyang Primetime Queen ng GMA-7 at tiyak isa rin siya sa mga dahilan kaya panonoorin ang pelikula. Dapat sana naka-box ang kanyang pangalan lalo pa’t nasa ilalim siya ng pangalan nina Vic at Ryzza Mae.

Well, medyo bumawi naman ang production people dahil nasa poster ang malaking picture nito, big enough para isiping isa siya sa major cast. Para-paraan he he he.

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *