Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chowking franchise ni Kris, binuksan na!

120114 KRIS N FRIENDS

00 fact sheet reggeeNAGKATRAPIK-TRAPIK ang buong Cubao, Quezon City noong Biyernes dahil sa pagdating ni Kris Aquino para sa pagbubukas ng unang Chowking franchise nila niDominic Hernandez sa may Alimall.

NIlibot pala muna ni Kris ang buong loob ng Chowking branch niya kaya wala pang 10:00 a.m. ay naroon na siya, ”nakaka-nerbiyos kasi ang laki ng in-invest namin, pero nakaka-excite rin kasi nppng tinour ko sa loob, ang ganda, state of the art na talaga, kasi prototype ‘yung bago nilang kitchen na ib’inigay.

“’Yung mga order makikita mo computerized pagpasok, and then ang ganda niyong mga wok, induction na, naaliw ako, ang ganda, gusto kong magkaroon ng ganoon sa bahay ko, walk-in chiller at freezer, ang saya, ang laki.

“Tapos ‘pag pumasok ka, malalaman mo kung ano ‘yung mga supplier, dami kong na-discover.

“Even the banyo natuwa ako kasi ang linis at handicap friendly and they will maintain it kasi kinulit ko sila.”

Pahayag naman ni Dominic, ”30 days lang ito ginawa kaya talagang mabilisan and this is 110 seating capacity. Sabi ko nga kay Kris, sinabayan ko ang shooting niya kasi ako nandirito every night para personal na ma-check ‘yung ginagawa.”

Naawa nga kami kay Dominic dahil halatang ngarag siya dahil bukod sa inaasikaso niya ang Chowking nila ni Kris ay inaasikaso rin niya ang kasal nila ng long time girlfriend niya sa December 20, ”kaya sobrang pressure talaga ako.”

HI-END TECHNOLOGY ANG MGA GAMIT SA KUSINA

Generation 6 ang tawag sa bagong disenyo ng Chowking nina Kris at Dom pawang hi-end technology na raw ang gamit nila sa kusina kompara sa mga lumang branch na manual pa ‘yung iba.

“Like ‘yung mga soup namin, usually ‘di ba nila-laddle pa, ngayon naka-dispenser na para mas mabilis, so standard ‘yung temperature, mainit parati. Dati kasi kapag ladle may natatapon pa.

“Tapos ‘yung siopao cabinet wala na sa labas, ipinasok na sa loob kasi usually, ‘yung cashier naaabala kapag nag-aabot siya ng siopao at pagbalot, so nababawasan ‘yung oras niyang mag-transact. So, lahat ng nakakaabala sa counter, ipinasok na sa kitchen para ang trabaho lang sa counter, order and take-out lang sa customer,” say ni Dominic.

At ang minimum sales na dapat ma-reach ng Chowking Alimall sa isang araw ay P108,000.00.

“’Yun ang minimum, boundary, ang projection nila ay four and a half years, kasi you have the franchise for 10 years so sana ‘yung four and a half, makuha in 4 (years lang).

IKALAWANG CHOWKING FRANCHISE, IKINAKASA NA

“And in the planning process na ‘yung next franchise namin (Chowking), mayroon ng nahanap somewhere, pero next year na kasi kaka-invest ko lang din sa ‘Feng Shui’ (co-prod ng KAP).

“’Pag bumalik na ‘yung pera (investment sa ‘Feng Shui’) after Holy Week naman ‘yun, normally so, puwede na ulit akong maglabas ng pera. Kaya nakakaloka, in November I have two investments,” katwiran pa ng TV host/actress.

Magiging hands-on siya sa bago niyang negosyo, ”I’ll be here (Alimall) once a week or more, depende kasi since bago na ang mall hours, sabi ko kay Boy (Abunda), daan kami rito after ‘AA’ (Aquino & Abunda) for midnight snack at nag-oo naman siya.”

Kasama ni Kris sa opening ng Chowking ang prayer group friends niyang sina Ray Lanada, designer JC Buendia, Mayor Len Alonte ng Binan, Laguna, at MayorMylene Pineda ng Lubao, Pampanga na talagang kinulit niyang mag-buena mano.

Ang nakatatawa, si Kris pa ang nagsabi sa dalawang mayora kung ano ang oorderin nila na feeling namin ay’yung pinakamahal para raw malaki kaagad ang benta.

“Tama, pinilit ko silang bumili, ha, ha, ha. Walang libre rito,” tumatawang sabi ng TV host/actress.

Samantala nagtanong naman kami sa staff and crew ng Chowking kung ano naman ang masasabi nila na sina Dominic at Kris ang kanilang boss at halos iisa ang sabi,”ang ganda pala ni Ma’am Kris, ang puti, nakaka-pressure (sabay tawa ng lahat).”

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …