Friday , November 15 2024

2015 nat’l budget isasalang sa Bicam

112814 2015 budgetISASALANG na sa bicameral conference committee ang 2015 national budget sa Martes, Disyembre 2 upang plantsahin ang magkaibang bersyon ng Kamara at Senado.

Ito ang kinompirma ni Senate committee on finance chairman Sen. Chiz Escudero.

Kasabay nito, tiniyak ni Escudero na ipaglalaban ng Senado ang sarili nitong bersyon sa pambansang pondo na aniya’y hindi taglay ang “pork barrel” taliwas sa akusasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

“The concerns she (Santiago) had, we addressed them in the Senate version. We had improved the other points she raised,” ani Escudero.

Nabatid na Nobyembre 26 naipasa ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa pangatlo at pinal na pagbasa ang P2.606 trillion na pambansang pondo sa bo-tong 13-zero.

Ayon kay Escudero, upang matiyak na hindi maituring na pork barrel ang lump sum funds sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang sa ini-lagay nilang probisyon sa 2015 General Appropriations Act (GAA) ay ang pagbabawal sa government agencies na gamitin ang lump sum funds kung walang isinumiting report o itemized listing sa Kongreso at sa Commission on Audit.

Ang mga kalihim aniya ng mga sangay ng pamahalaan ang pa-patawan ng parusa sakaling lumabag sa probisyon.

“We provided a penalty of six months suspension or imprisonment of one year or a fine equivalent to six-month salary if they fail to submit the report,” ani Escudero.

At upang matiyak na hindi na maulit ang sistema tulad ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa pork barrel, ang mismong ruling aniya ng Korte Suprema ang inilagay nila bilang probisyon ng 2015 national budget.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *