MUKHANG umiiral pa rin ang ‘kalakaran’ sa Manila International Airport Authority (MIAA) management … ‘yun bang ‘matandang kaugalian’ sa pagtanggap ng mga bagong empleyado na “Whom You Know?” at hindi ang nararapat na “What You Know?”
Nitong nakaraang Linggo, may isa o dalawang mataas na opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) T2 na ang ginagawang ‘barometer’ sa pagkuha ng newly hired Aero Bridge Operators ay ‘yung binanggit natin na ‘luma at nilulumot’ na kaugaliang bulok sa pagtanggap ng mga bagong empleyado?!
Nagkaroon kasi ng pangangailangan para sa mga bagong Aero Bridge Operators ang MIAA dahil ang mga dating tauhan na humahawak ng nabanggit na posisyon ay na-pirata na sa ibang bansa. Mas malaki kasi ang suweldo kumpara sa tinatanggap nila sa NAIA.
Sa Macau, karamihan ay mga Pinoy ang aero-bridge operator.
Ang mga newly hired Aero Bridge Operators ng NAIA T1 at NAIA T3 ay tinanggap makaraan ang ilang buwang pagsasanay.
Pero sa NAIA T2 ay nakabinbin pa rin!?
What the fact!?
Ang balita natin, ‘yung mga nag-training ng ilang buwan ay nakabinbin pa rin ang application at may ilang graduate na sa pagsasanay pero na-snowpeak para maisingit ang kanilang mga ‘bata-batuta?’
Again, what the Fact!?
‘Eto pa ang mas matindi, kahit kailangang-kailangan na ng mga bagong Aero Bridge Operators sa NAIA T2 ay hindi pa rin inaaprubahan ang application ng mga tapos na sa pagsasanay?
Ano kaya ang hinihintay nila?
Your guess is as good as mine…tsk tsk tsk…