ROXAS CITY – Patay ang chief manager ng isang anti-hunger international non-government organization (NGO) makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Estancia, Iloilo kamakalawa.
Limang beses na binaril gamit ang kalibre .45 pistol si Andrefel Tenefrancia, 24, manager ng ACF International.
Ayon kay Senior Insp. Lorenes Losaria, hepe ng Estancia police station, pinagbabaril si Telefrancia ng hindi nakilalang mga suspek habang pauwi sa kanyang boarding house.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpaslang.