GALIT ba ang Kuwarta ‘este mali Korte Suprema kay Yorme Erap Estrada?
Itinatanong po natin ito dahil hanggang ngayon HINDI pa rin inireresolba ng Korte Suprema ang DISQUALIFICATION CASE case na inihain laban kay Erap ng abogadong si Atty. Alice Vidal.
Ilang kaso nang may kaugnayan sa eleksiyon ang nadesisyonan na ng Supreme Court.
‘Yung pamangkin mismo ni Erap na si Laguna Governor ER Ejercito ‘e napagtibay na ang desisyon na diskwalipikado dahil sa sobrang paggastos sa kampanya.
‘Yung recall election sa Puerto Princesa City Palawan na nauna pa sa DQ ni Erap, mayroon na rin desisyon.
‘E Bakit ‘yung DQ laban kay Erap hindi pa rin nila madesisyonan?!
Mahirap bang i-ponente ang desisyon sa Disqualification Case (DQ) ni Erap, SC Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen?
Aba ‘e maawa naman kayo kay Erap, Supreme Court. Hindi na yata mabilang ang kanyang sleepless nights dahil nga hindi rin siya mapanatag kung legal ba ang pagkakaupo niya o hindi bilang alakalde ng Maynila?
Kumbaga, hindi masyadong magiging masaya ang Pasko ni Erap dahil paggising niya tuwing umaga ay tila mayroong tabak ni Damocles na nakaamba lagi sa kanya.
E kung tayo lang, gusto na nga nating mapagtibay ng Supreme Court ang desisyon na ‘yan para na rin sa katahimikan ni Erap.
Dapat na sigurong paalalahanan ni Supreme Court Chief Justice Ma-ria Loudes Sereno si Associate Justice Marvic para bilisan ang kanyang pagpo-ponente.
By the way, nasabi na kaya ni Associate Justice Marvic kay CJ Sereno kung ano ang dahilan kung bakit laging naaantala ang pagpo-ponente niya ng desisyon sa DQ laban kay Erap?!
Pakibulong mo na nga rin sa amin Sir Marvic …