Friday , November 22 2024

Bakit ayaw bigyan ng katahimikan ng Korte Suprema si Erap Estrada?!

00 Bulabugin jerry yap jsyGALIT ba ang Kuwarta ‘este mali Korte Suprema kay Yorme Erap Estrada?

Itinatanong po natin ito dahil hanggang ngayon HINDI pa rin inireresolba ng Korte Suprema ang DISQUALIFICATION CASE case na inihain laban kay Erap ng abogadong si Atty. Alice Vidal.

Ilang kaso nang may kaugnayan sa eleksiyon ang nadesisyonan na ng Supreme Court.

‘Yung pamangkin mismo ni Erap na si Laguna Governor ER Ejercito ‘e napagtibay na ang desisyon na diskwalipikado dahil sa sobrang paggastos sa kampanya.

‘Yung recall election sa Puerto Princesa City Palawan na nauna pa sa DQ ni Erap, mayroon na rin desisyon.

‘E Bakit ‘yung DQ laban kay Erap hindi pa rin nila madesisyonan?!

Mahirap bang i-ponente ang desisyon sa Disqualification Case (DQ) ni Erap, SC Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen?

Aba ‘e maawa naman kayo kay Erap, Supreme Court. Hindi na yata mabilang ang kanyang sleepless nights dahil nga hindi rin siya mapanatag kung legal ba ang pagkakaupo niya o hindi bilang alakalde ng Maynila?

Kumbaga, hindi masyadong magiging masaya ang Pasko ni Erap dahil paggising niya tuwing umaga ay tila mayroong tabak ni Damocles na nakaamba lagi sa kanya.

E kung tayo lang, gusto na nga nating mapagtibay ng Supreme Court ang desisyon na ‘yan para na rin sa katahimikan ni Erap.

Dapat na sigurong paalalahanan ni Supreme Court Chief Justice Ma-ria Loudes Sereno si Associate Justice Marvic para bilisan ang kanyang pagpo-ponente.

By the way, nasabi na kaya ni Associate Justice Marvic kay CJ Sereno kung ano ang dahilan kung bakit laging naaantala ang pagpo-ponente niya ng desisyon sa DQ laban kay Erap?!

Pakibulong mo na nga rin sa amin Sir Marvic …

Newly grads na aero bridge operators ‘ibinibitin’ ng NAIA T2 officials?

MUKHANG umiiral pa rin ang ‘kalakaran’ sa Manila International Airport Authority (MIAA) management … ‘yun bang ‘matandang kaugalian’ sa pagtanggap ng mga bagong empleyado na “Whom You Know?” at hindi ang nararapat na “What You Know?”

Nitong nakaraang Linggo, may isa o dalawang mataas na opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) T2 na ang ginagawang ‘barometer’ sa pagkuha ng newly hired Aero Bridge Ope-rators ay ‘yung binanggit natin na ‘luma at nilulumot’ na kaugaliang bulok sa pagtanggap ng mga bagong empleyado?!

Nagkaroon kasi ng pangangailangan para sa mga bagong Aero Bridge Operators ang MIAA dahil ang mga dating tauhan na humahawak ng nabanggit na posisyon ay na-pirata na sa ibang bansa. Mas malaki kasi ang suweldo kumpara sa tinatanggap nila sa NAIA.

Sa Macau, karamihan ay mga Pinoy ang aero-bridge operator.

Ang mga newly hired Aero Bridge Operators ng NAIA T1 at NAIA T3 ay tinanggap makaraan ang ilang buwang pagsasanay.

Pero sa NAIA T2 ay nakabinbin pa rin!?

What the fact!?

Ang balita natin, ‘yung mga nag-training ng ilang buwan ay nakabinbin pa rin ang application at may ilang graduate na sa pagsasanay pero na-snowpeak para maisingit ang kanilang mga ‘bata-batuta?’

Again, what the Fact!?

‘Eto pa ang mas matindi, kahit kailangang-kailangan na ng mga bagong Aero Bridge Operators sa NAIA T2 ay hindi pa rin inaaprubahan ang application ng mga tapos na sa pagsasanay?

Ano kaya ang hinihintay nila?

Your guess is as good as mine…tsk tsk tsk…

Hindi maliit na pagnanakaw ang ginagawa ng mga walang kabusugan

GOOD pm, sir Jerry nabasa ko po sa isang pahayagan n unahin ang malaking problema ng bansa bakit un bang pagnanakaw ng pamilya Binay maliit ba ‘yan? Parang ayaw nilang ipabusisi ang pagnanakaw ng pamilyang Binay paano p kung mahalal na pangulo ng buong bansa pagnanakaw sa tingin wala clang kabusogan sir Jerry +63926703 – – – –

Lifestyle check sa mga Senador

GOOD day po. Puna ko lang po sa mga kagalang-galang na Senador na sina Sen. Allan Peter Cayetano at Sen. Trillanes na pinag-aaksayahan ng panahon ang kanilang ginagawang imbestigasyon kay Vice President Binay sa mga kuwestiyonable niyang yaman. Sayang lang ang oras at pera ang ginugugol dito. Sa halip n mga makabuluhang batas ang inyong pagtuunan ng pansin ay itong walang kakwenta-kwentang imbestigasyon ang inyong inuuna. Hamon ko sa inyong 2 senador na magpa-life style check din dahil kayo rin ay nakinabang at nagpasasa sa kaban pagtanggap ninyo ng pondo ng DAP. Para bang pinapakita ninyo sa taumbayan na napakalinis ninyo at hindi kayo mga corrupt. Pare-pareho lang kayong mga corrupt at magnanakaw sap era ng bayan. Kaya hiling ko po sa ating mga kababayan na huwag iboto ang mga taong ito na may personal na Interest, na nag-aambisyon na maluklok sa mas mataas pang posisyon. Maraming salamat po. Ben Latigo +639323007 – – – –

Allowance para sa Brgy. Pinagsama, Taguig City ibinigay na ni mayor lani pero hindi pa nakararating sa kanila

GOOD am po. Ka Jerry hanggang ngayon hindi pa rin bnbIgay allowance namin dto sa Brgy. Pinagsama, Taguig City, gayon binigay na ni Mayor Lani ‘yun Budget ng 2012 at 13 na hndi namin natanggap nang buo. Pls, po ‘wag nyo n lng po ipublish # q salamat po.

+63946760 – – – –

Pasugal sa Brgy. 555 Sampaloc, Maynila talamak dahil kay kagawad and chairman?!

GOOD morning kuya Jerry nais ko pong ipabatid ang talamak na sugalan d2 po sa aming Brgy. 555 sa Sampaloc sa tabi lng po bahay ng Kag. Boyer Sarno, siya po ang my hawak ng peace n order pero balewala lng po sa kanya kc kum-pare nila at ni chairman ang nagpapasugal sana po maputol na ang sugal d2 po sa amin. Paging Stn. 4 Mla. Concern citzn 84 +6393351 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *