Sunday , November 17 2024

Luging-lugi ang sambayanan sa maagang pangangampanya ni VP Jejomar Binay

111214 binaySA KABILA ng samo’t saring isyu na ikinukulapol sa pangalan ni Vice President Jejomar Binay (na ikinalulungkot natin na hindi niya hinaharap at sinasagot) ‘e nagagawa pa niya ngayon na mag-ikot-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagsimula ang pag-iikot ni VP Binay nang pumutok ang isyu ng overpriced building/parking sa Makati at kasunod nito ang 350-ektaryang lupain sa Rosario, Batangas.

Marami ang nagsasabi na ang pag-iikot ni VP Binay ay maagang pa-ngangampanya.

Aminin man niya o hindi, ‘e ‘yan ang katotohanan diyan. Pero ang malungkot, ang sambayanan ang nalulugi sa ginagawa ni VP Binay.

Saan kinukuha ni VP Binay ang ginagastos niya sa kanyang mga pag-iiikot?!

Sa sariling bulsa ba niya?!

S’yempre hindi. Lalo na kung idedeklara nilang official function ng Office of the Vice President (OVP) ang mga pag-iikot na ‘yan.

Sabi nga natin, si VP Binay ay isang beteranong street parliamentarian at isang tahirang politiko. Hindi niya maabot ang kinalalagyan niya ngayon kung wala sa kanya ang mga katangiang ‘yan.

Ultimo ang politikong si Syjuco ay hindi nagamit ang impluwensiya, kuwarta at kagulangan para maka-penetrate sa Makati politics.

Ang beteranong lawyer ng Martial Law na si Joker Arroyo ay tumanda sa lehislatura pero hindi napasok ang local politics sa Makati.

Ibig sabihin, ganyan kakapal ‘este katibay ang mga Binay sa Makati.

Isipin na lang natin kung makuha ni VP Binay ang pinamakataas na posisyong pampolitika (2016) sa bansa… napakatibay na posisyon para lalo pang protektahan ang kanyang dinastiya.

Sa kanyang huling birthday ay 72 anyos na si VP Binay, pero hindi ito mahahalata sa kanyang pisikal na hilatsa.

Sa ganang atin,  dapat na magdesiyon nang tama ang sambayanan para makaalpas naman tayo sa kinalalagyan natin ngayon.

Ilagay natin na ang 2016 ay make or break para sa sambayanan … kumbaga kapag nagkamali tayo sa 2016, nowhere to go na tayo … lalo na ang mas nakararaming mamamayan na laging nagpapasan ng pagdurusa kapag maling tao  ang ating naiuupo sa gobyerno.

Think wisely on 2016.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *