Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Koreano naglaslas, nahulog sa 8/f ng condo, kritikal

090814 knifeCEBU CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang Korean national nang maglaslas ng pulso at nahulog mula sa 8th floor ng inuupahang condominium sa La Guardia Street, Brgy. Apas lungsod ng Cebu.

Kinilala ang biktimang si Kang Sung-Hwi, 46, tubong Hyosung Korea at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO1 Rommel Bancog ng Homicide Section ng CCPO, problema ng biktima ang ka-walan ng pera at hindi nakapagbabayad sa inuupahang condominium.

Ang nasabing impormasyon ay kinompirma ng dayuhan nang makausap siya ng pulisya.

Dagdag ni Bancog, nitong Martes ay bumisita ang may-ari ng condominium kay Kang upang singilin ngunit wala si-yang perang maibayad.

Kamakalawa ay naglasing si Kang sa kanyang kwarto at tatlong beses na naglaslas ng pulso.

Bagama’t duguan ay nakatayo pa siya at nagpunta sa terrace upang magpahangin.

Sumandal siya sa railings ngunit dahil sa kala-singan ay nahulog mula sa terrace at sumabit sa kable ng koryente bago tuluyang nahulog sa lupa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …