Friday , November 22 2024

Drug convicts ihiwalay sa ibang kriminal

00 bullseye batuigasMAINIT na paksa ang binitiwang salita ni Justice Sec. Leila de Lima tungkol sa pamamayagpag umano ng mga nakapiit na drug lord sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Sa mga nagdaang taon ay ilang ulit din naiulat na may mga drug lord na naghahari-harian umano sa loob ng NBP dahil sa kanilang pera. Kadalasan ay tatlo pa raw ang gamit na cellphone ng bawat isa sa mga damuho kaya patuloy ang pagpapatakbo ng kanilang negosyong droga.

Malaya rin daw nilang nakakasama ang kanilang mga asawa at kabit sa loob ng NBP compound o sa kanilang mga pribadong kubol kailan man nila gustuhin.

Kaya nang maupo si retired police Regional Director Franklin Jesus Bucayu bilang direktor ng Bureau of Corrections (BuCor) na may hawak sa NBP noong Marso 2013 ay agad siyang nagpatupad ng paghihigpit sa mga nakakulong, at pagbabagong anyo sa bilangguan.

Mantakin ninyong nakakumpiska sila ng 3,000 cell phones sa loob ng Bilibid, na maaaring ipinuslit para magamit sa sinasabing drug operations ng mga drug lord sa loob.

Ayon kay De Lima, nakatanggap ng death threats si Bucayu at ang ibang opisyal nang dahil sa kanilang paghihigpit sa NBP. Tumindi pa raw ang mga pagbabanta nang magsagawa ng raid ang mga opisyal ng piitan at makakumpiska ng ilang baril at 100 gramo ng shabu.

Itinalaga si Bucayu bilang BuCor director dahil naniniwala si De Lima na ang kanyang mahabang serbisyo sa PNP ay malaki ang maitutulong upang maitanim ang disiplina sa mga nakakulong at maalis ang mga ilegal na gawain sa Bilibid.

Bukod diyan si Bucayu ang may pinakamalawak na kaalaman sa mga prinsipyo at pamantayan ng karapatang-pantao na kanyang pinag-aralan pa sa ibang bansa. In fact, dati rin siyang hepe ng Human Rights Affairs Office ng PNP. Iginagalang niya ang karapatang-pantao ng lahat, kahit na nakagawa pa sila ng krimen at nakapiit.

Marami rin siyang magandang hangarin para sa mga preso tulad ng balaking paghahanda sa kanilang paglaya, upang ang background nila bilang bilanggo ay hindi maging sagabagal sa paghahanap nila muli ng trabaho at pakikisalamuha sa lipunan sa kanilang pagbabagong-buhay.

Sa totoo lang, hindi biro ang pagpapatakbo ng isang bilangguan na may kapasidad na maglaman ng 8,700, ngunit ngayon ay pinagkukulungan ng halos 23, 000 preso.

At dahil sa ulat na nakalulusot pa rin ang kagaguhan ng mga nakapiit na drug lord, makabubuting ihiwalay ang mga preso na nakulong nang dahil sa droga sa ibang mga kriminal.

Sama-sama ninyong itambak ang mga damuho sa isang bahagi ng NBP na sila-sila lang ang laman. Mahigpit itong pabantayan upang hindi malusutan ng mga laptop, cell phone, baril, droga at pati na mga babae ng mga bayaran nilang kasabwat.

Sa masinsinang pagsisiyasat ay makakakalkal din ninyo kung sino-sino ang mga damuhong empleyado at opisyal ng NBP na kakontsaba nila sa ilegal na gawain. Sibakin ninyo ang mga damuho upang magkaroon ng tunay na paglilinis at pagbabagong-anyo sa Bilibid.

Pakinggan!

***

PUNA: “Congrats, Pacman. Kay VP Binay, ewan ko sa ’yo kung sa 2016 elections makalusot ka.”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *