BUTUAN CITY – Masu-sing iniimbestigahan ng pulisya ng Butuan City ang insidente ng pagbibigti ng isang 12-anyos batang lalaki kamakalawa ng gabi sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Aquarius street, Brgy. J.P., sakop ng Butuan City.
Mismong si Nestor Allen, 66, lolo ng biktimang si Raymart John, ang nagkompirma sa pagkakakilanlan ng bata.
Ayon sa mga kaibi-gan ng biktima, bitbit ni Raymart ang isang kumot at nagpaalam na magbibigti sa ikalawang pa-lapag ng bahay.
Sa pag-aakalang nagbibiro lamang ay hindi siya pinansin ng mga kalaro at hinayaan ang biktima na magtungo sa na-sabing bahay.
Ngunit pagkaraan ay nagulat ang mga kalaro nang makitang nakabitin ang biktima gamit ang bitbit na kumot.