SA bibihirang pagpapakita ng pagkakaisa, ang religious at civil society groups ay magkikita-kita bukas (Sabado), ala-1:00 ng hapon sa Cuneta Astrodome para ipanawagan sa nasyon at magplano ng liderato para sa susunod na administrasyon pagkatapos ng Aquino era.
Sinabi ni dating two-term Senator at Laguna Gov. Joey Lina, ang lead convenor ng grupo, hindi bababa sa 10,000 katao ang inaasahang magsasama-sama sa Pasay arena para saksihan ang pangako sa sarili at magpahayag ng pag-asa at direksiyon ang mga lider ng religious, civil society, at multi-sectoral groups sa samabayang FIlipino.
Ayon kay Lina, minsan din nagsilbi bilang tserman ng Metro Manila Commission – ngayo’y Metro Manila Development Authority — at ng Dangerous Drugs Board, ang people empowerment at accountability na nakakabit sa Christian values of leadership ang sentro ng tema ng nationwide movement bukas.
“We are saddened by these alleged corruption cases. But we can’t also turn a blind eye to the achievements of this administration. We must learn from our mistakes and move forward,” sabi ni Lina.
Si dating Chief Justice Reynato Puno ang magsisilbing keynote speaker habang si Lina, ang pinakabatang nahalal na Senador sa history ng Philippine government at politika, ang magsasalita ng mga hamon sa mga Pinoy.