Friday , November 22 2024

Ready na ba si Binay umatras?

00 BANAT alvinTATANGGAPIN kaya ni Binay ang katotohanang bumabagsak na ang kanyang popularidad sa masang Pilipino at suntok sa buwan na lang ang ambisyon niyang maging pangulo ng bansa.

Ito ang tiyak na kakaharaping problema ni Binay dahil siguradong babagsak pang muli ang kanyang popularity rating sa mga susunod na survey matapos magwagi at mapaniwala ang nakararaming mamamayan sa pinagsasabi nina Senador Alan Cayetano, Antonio Trillanes kasama ang mga dating kaalyado ni Binay na si former vice mayor Ernesto Mercado.

Tiyak na nararamdaman na rin ni Binay sa ginagawa niyang pag-iikot sa iba’t ibang parte ng bansa na nanlulumo na ang mga taong sumusuporta sa kanya lalo’t higit ang mga bigtime na politiko na hari ng bayan-bayan.

Alam naman natin lahat na kapag mabango ka sa politika at angat sa laban ay todo-suporta ang taumbayan lalo’t higit ang mga tusong trapo pero kapag palubog na ang barko animo’y meron kang ketong na ayaw nang lapitan ng sinoman.

Itong tiyak ang nangyayari ngayon kay Binay dahil kitang-kita naman sa lahat ng survey na bu-magsak na ang kanyang tsansa na maging pangulo ng bansa at ito ang dapat niyang kaharapin kung tatanggapin ba niya ang hamon ng pag-atras upang magbigay-daan sa bagong pambato ng oposisyon.

Napansin din ng lahat na noong inilunsad niya ang bagong partido na UNA ay walang mga higanteng pangalan na lumahok dito mga ilan buwan na ang nakalilipas at iyan ay isang indikas-yon na rin ng paglubog.

Siyempre kasabay ng pagtanggap sa pag-atras ang pag-asa na mananalo ang kanyang ipa-palit dahil buhay at kapalaran din ng kanyang mga mahal sa buhay ang nakataya rito.

Tiyak na kapag nagwagi ang mga gumiba sa kanya sa 2016 ay lalo siyang mababaon sa iba’t ibang asunto at ito ang dapat niyang siguraduhin dahil kapag nagkamali siya ng desisyon tiyak na mawawalang lahat ang kanyang pinaghirapan nang halos 30 taon.

Bukod sa pag-atras, option din ni Binay na tumahimik sa politika at makipag-deal o makipaglaro sa kanyang mga kalaban para maisalba ang kanyang angkan at pinaghirapan.

Siguro ang ta-ngi na lamang ni-yang mahihiling ay arborin ang Makati na siya ang naghari nang ilang panahon dahil mukhang ito ay ipinangako na ng LP at iba pang grupo na gumiba kay Binay kay Ernesto Mercado.

Malayo pa nga ang 2016 pero mas masahol ang inabot ni Binay kay dating senador Manny Villar dahil hindi lamang wasak si Nognog kung hindi durog na durog pa.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *