ni Ronnie Carrasco III
TILA hindi natuto sa mga kaganapan sa buhay niya ang sikat na aktres dahil hanggang ngayo’y patuloy pa rin siya sa kanyang bisyo, ang pagsusugal.
Ayon sa isang concerned friend ni aktres, milyon ang kinita ni sikat na aktres mula sa mga project na ibinigay sa kanya. Pero sad to say, ni isang condo ay wala itong nabili. Kahit anong bagay ay wala itong naipundar.
Hindi raw sa mga sikat na pasugalan o casino makikita si sikat na aktres dahil nga naman makikilala siya roon. Sa mga E-Games pala ito naglalagi at doon inuubos ang pera.
Kaya pala kahit may mga project si sikat na aktres, kabi-kabila pa rin ang pag-utang nito sa mga kaibigan. Kasi nga naman, gabi-gabi pala ay nasa E-Games ito.
Ngayon, purdoy na si sikat na aktres at ‘pag hindi siya nagbago, baka sa kangkungan na lamang siya pulutin. (HNT)