BRUSKO ang katawan ng klosetang singer stage actor na during his time ay talagang naging in-demand sa kaliwa’t kanang show here and abroad.
Noong kasikatan niya ay na-link siya sa kasabayang female singer, pero hindi nagtagal kasi nabuko agad ang tunay niyang pagkatao.
‘Yung pagiging silahista niya ay ilan lang ang nakaaalam sa showbiz kasi magaling magtago ang nasabing mang-aawit at hindi mo naman talaga siya mapagkakamalan na bading dahil sa laki ng boses.
Ngayon ay bumibida sa isang stage play ang tinutukoy nating closet queen at meron siyang natipohan na gwapo at morenong janitor sa lugar. Hayun dahil laking probinsiya si bagets Papa ay madali siyang nauto ng bida nating performer kaya’t na-chorva agad. Ngayon ay nagli-live in na raw ang dalawa sa condo ni singer along Tomas Morato.
Winner na winner ang baklita gyud!
ni Peter Ledesma