Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ka Freddie, deadma sa sinapit ni MAegan

ni Ronnie Carrasco III

112814  freddie maegan aguilar

 

DATI-RATI, mismong si Freddie Aguilar pa ang tatawag sa TC (talent coordinator) ng Startalk for a scheduled interview on issues involving him, his live-in partner o kung sino pa man.

Just recently, his prodigal daughter Maegan landed on the news makaraang bugbugin ng kinakasama nito. Instinctual na sa isang magulang na kapag nabalitaan niyang naagrabyado ang anak ay kulang na lang maghuramentado ito, sumugod sa kinaroroonan ng nambugbog at bahala na kung anong kaya niyang gawin to avenge his aggrieved child.

Pero nakapagtatakang ilang araw na ang lumipas, no Freddie Aguilar faced the media to come in defense of Megan.

Maging ang mga repeated text messages ng Startalk ay hindi sinagot ng batikang mang-aawit.

Could it possibly be na nais lang ipakain ni Ka Freddie sa kanyang anak ang mga sinabi nito laban sa kanya?

Posible rin kayang sinabihan si Ka Frddie ng kanyang nobyang si Jovy that should Megan return to their house ay huwag na huwag itong tatanggapin, dahil kung hindi ay sasabog na naman ang alitan nila ni Megan?

Hindi namin masisisi kung nagtetengang-kawali man o manhid na ang singer sa kung anuman ang may kinalaman kay Megan. This time, he has to assert his paternal rights kung paanong may obligasyon din si Megan sa kanya bilang anak.

Sa sinapit ni Megan, has she gained public sympathy? No. Sa katunayan, kulang na lang awitin ang pinasikat na kanta ng grupong Hotdog na, “Beh, buti nga…beh, buti nga…beh, beh, beh, beh, buti nga!”

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …