Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jose Manalo, iniintrigang may ka-live-in na dancer!

112814 jose wally

00 Alam mo na NonieITINANGGI ni Jose Manalo ang tsika na may lovelife siya ngayon. Actually, iniintriga si Jose na umano ay may ka-live-in daw na dating dancer ng Eat Bulaga. Pero pinabulaanan ito ng magaling na komedyante.

Sinabi ng ka-tropa sa Sugod Bahay Gang-Juan For All. All For Juan na wala siyang karelasyon ngayon. In fact, halos four years na raw loveless si Jose, mula nang naghiwalay sila ng kanyang misis.

“Wala akong dyowa nga-yon, wala talaga. Alam mo naman ang mga artista, kung ano ang mga isyu, yun at yun din naman ang ipinupukol sa iyo,” saad niya sa isang panayam.

Nagsimula ang intriga nang may makakita raw kay Jose na kasama ang babaeng ka-live-in niya umano, habang nagjo-jogging. Pero, sinabi niyang wala siyang babaeng ibinabahay. “Wala pa tayong ibinabahay. Hindi pa natin kayang magbahay, marami pa tayong obligasyon.”

Ayon pa kay Jose, patuloy pa rin siya sa pagbibigay sa obligasyon niya sa kanyang mga anak. Sinabi rin ng komedyante na na-trauma siya sa nangyari sa kanya kaya umiiwas muna siya sa pakikipagrelasyon at naka-focus sa kanyang trabaho.

Bukod sa Eat Bulaga, si Jose ay napapanood sa Celebrity Bluff at Vampire Ang Daddy Ko. Kasama rin siyempre siya sa pelikulang My Big Bossing, na siyang entry ni Bossing Vic Sotto ngayong MMFF 2014.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …