NAGBUNGA na rin ang pagkahilig ni Alodia Gosiengfiao sa pagco-cosplay. Paano’y gagawa siya ng Japanese movie next year.
Excited na sinabi ni Alodia na, “I’m very glad na may opportunities po para sa akin na still related to what I’m doing, which is cosplay and Japanese culture,” pagbabalita nito nang ipakilala siya kasama ang kapatid na si Ashley ang inang si Mariglor bilang endorser ng Katinko ointment.
Hindi masyadong nag-elaborate si Alodia ukol sa pelikulang gagawin. Pero tiniyak nitong isang Filipina character ang gagampanan niya.
“But I’m not sure if I’m going to speak Tagalog, Japanese or English so we’ll see about it. I think it’s a government-supported film, so it’s very educational film at feeling ko maraming mata-touch sa film na yon,” paliwanag pa ni Alodia.
Sinabi pa ng dalaga na pabalik-balik siya ng Japan dahil na sin sa proyektong Cosplay Queen na ginagawa niya.
“Right now I live both in Manila and in Japan so every two weeks nagta-travel po ako back and forth.
“I have projects here, I still do TV work, I still host events, I do guestings in conventions and in Japan naman po I do almost the same thing, I guest in events, I do magazines,” giit pa ni Alodia.
Samantala, 30 taon na sa market ang Katinko ointment na gawa ng Greenstone Pharmaceutical H.K. Inc., na pinamamahalaan ng batambatang si Melissa Yeung.
Ani Melissa, bagamat kilala na sa market ang kanilang produkto, mas nais pa nilang palakasin ang Katinko dahil ito’y everyone’s go-to ointment na nakagagamot ng iba’t ibang klase ng kirot at sakit na talaga namang kahit sino’y puwedeng gumamit.
“We were inspired that the Goseingfiaos really believe in Katinko and use the product. We collaborated on the idea of turning them into Katinko Healing Fairies and they were excited about it so we decided to push through with it and they became endorsers,” ani Melissa na 24 taong gulang pa lamang ay siya na ang namahala ng kanilang business na Greenstone Pharmaceutical. Bukod dito’y siya rin ang nagpapalakad ng Earth Kitchen na itinayo bilang suporta sa local farmers at indigenous communities.
Mayroon din siyang GotHeart Foundation na isang social enterprise dedicated to help marginalized communities get out of poverty. Isa ring professor si Ms. Melissa sa Ateneo na nagtuturo ng Project Management at Social Innovations (thesis project class) sa 3rd at 4th year college.
Ang Earth Kitchen ay matatagpuan sa Katipunan Ave., White Plains, Quezon City at sa may 56 Jupiter St., Makati City.
ni Maricris Valdez Nicasio