NAPATUNAYANG guilty sa indirect bribery ng Sandiganbayan ang isang dating huwes sa San Ildefonso, Bulacan.
Sa inilabas na desis-yon ng anti-graft court, napatunayang nangikil si dating San Ildefenso Municipal Trial Court Judge Henry Domingo sa isang akusado na nililitis niya noon.
Pinaboran ng Sandiganbayan ang testimonya ng private complainant na si Ildefonso Cuevas na sinabing noong Pebrero 2003, kinausap siya ni Judge Domingo sa kanyang chamber at hiningan siya ng pera kapalit ng pagbasura sa kanyang kaso.
Nagkasundo ang da-lawa na magkita sa isang restaurant sa Baliuag, Bulacan para ibigay ang hinihinging P20,000.
Gayonman, humingi ng tulong sa pulis si Cuevas kaya nang iabot niya ang pera sa huwes, agad inaresto ng NBI si Do-mingo.
Hindi nakombinsi ang Sandiganbayan sa depensa ni Domingo na na-frame up lamang siya.
Pagkakakulong na hindi bababa sa anim buwan at isang araw hanggang tatlong taon, anim na buwan at 21 araw ang hatol sa dating huwes.