Saturday , December 28 2024

Boracay sinalaulang paraiso na ba!? (Ocean Park 2)

112814 boracayHINDI natututo ang mga opisyal ng ating pamahalaan.

Dapat ay natuto na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa karanasan ng Puerto Galera.

Pero hindi pa rin…

May mga tao talagang nanggigil sa kuwarta lalo na kung easy deal lang.

Gaya diyan sa Boracay, Kalibo, Aklan.

Kung dati ay isang tunay na paraiso ang Boracay, ngayon po ay hindi na.

Isa na itong komersiyalisadong isla na pinagkikitaan nang husto ng mga komersiyante, realtor at mga opisyal ng pamahalaan na walang puso para sa kalikasan.

Sa kasalukuyan isang malaking konstruksiyon ang ginagawa ngayon d’yan ng OCEAN PARK 2.

‘Yan daw ang kabuuang sukat ng ‘wetland’ na nakapagtatakang naging pribado.

Kung hindi tayo nagkakamali, mahigpit na ipinagbaBAWAL sa batas ang pagtatayo ng ano mang uri ng estruktura sa wet land. Ito ay bilang proteksiyon sa marine life sa nasabing lugar.

Pero hindi na ‘yan nasusunod at sandamakmak na ang mga establisiyemento ang lumalabag.

Ayon sa ating mapagkakatiwalaang mga sources halos anim na buwan na ang konstruksiyon ng Ocean Park 2 kahit wala silang Environmental Compliance Certificate (ECC).

Maging ang barge na nagdadala ng mga materyales para sa konstruksiyon ay doon dumaraong sa dalampasigan na nagiging dahilan ng pagkawasak ng coral reef.

Totoo ba ito Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) chief, IVENE REYES?!

Kaya nga natatakot na rin ang mga residente sa nasabing lugar dahil tila nagbabadya ang isang malaking sakuna.

Ang Boracay ay isang isla. Pero wala tayong nakikitang malaki, maayos at sistematikong plano ng sewerage system sa kabuuan ng isla.

Saan napupunta ang duming naiipon sa mga pozo negro? Inaaral ba ninyo ito PENRO chief, Ivene Reyes?!

Ang malalaking establisyemento sa mataas na bahagi ng isla ng Boracay, saan napupunta ang waste water nila?

Lahat ‘yan patungo lahat sa dagat.

Mayroon bang sistema ang PENRO kung paano nila nililinis ang karagatan sa paligid ng Boracay?!

Bakit mabilis na nakapagtatayo ng konstruksiyon ang iba’t ibang business establishment na nakapapasok d’yan?!

May kasunod pa po kung paanong nakapapasok ang mga realtor d’yan sa Boracay.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *