HINDI natututo ang mga opisyal ng ating pamahalaan.
Dapat ay natuto na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa karanasan ng Puerto Galera.
Pero hindi pa rin…
May mga tao talagang nanggigil sa kuwarta lalo na kung easy deal lang.
Gaya diyan sa Boracay, Kalibo, Aklan.
Kung dati ay isang tunay na paraiso ang Boracay, ngayon po ay hindi na.
Isa na itong komersiyalisadong isla na pinagkikitaan nang husto ng mga komersiyante, realtor at mga opisyal ng pamahalaan na walang puso para sa kalikasan.
Sa kasalukuyan isang malaking konstruksiyon ang ginagawa ngayon d’yan ng OCEAN PARK 2.
‘Yan daw ang kabuuang sukat ng ‘wetland’ na nakapagtatakang naging pribado.
Kung hindi tayo nagkakamali, mahigpit na ipinagbaBAWAL sa batas ang pagtatayo ng ano mang uri ng estruktura sa wet land. Ito ay bilang proteksiyon sa marine life sa nasabing lugar.
Pero hindi na ‘yan nasusunod at sandamakmak na ang mga establisiyemento ang lumalabag.
Ayon sa ating mapagkakatiwalaang mga sources halos anim na buwan na ang konstruksiyon ng Ocean Park 2 kahit wala silang Environmental Compliance Certificate (ECC).
Maging ang barge na nagdadala ng mga materyales para sa konstruksiyon ay doon dumaraong sa dalampasigan na nagiging dahilan ng pagkawasak ng coral reef.
Totoo ba ito Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) chief, IVENE REYES?!
Kaya nga natatakot na rin ang mga residente sa nasabing lugar dahil tila nagbabadya ang isang malaking sakuna.
Ang Boracay ay isang isla. Pero wala tayong nakikitang malaki, maayos at sistematikong plano ng sewerage system sa kabuuan ng isla.
Saan napupunta ang duming naiipon sa mga pozo negro? Inaaral ba ninyo ito PENRO chief, Ivene Reyes?!
Ang malalaking establisyemento sa mataas na bahagi ng isla ng Boracay, saan napupunta ang waste water nila?
Lahat ‘yan patungo lahat sa dagat.
Mayroon bang sistema ang PENRO kung paano nila nililinis ang karagatan sa paligid ng Boracay?!
Bakit mabilis na nakapagtatayo ng konstruksiyon ang iba’t ibang business establishment na nakapapasok d’yan?!
May kasunod pa po kung paanong nakapapasok ang mga realtor d’yan sa Boracay.
PSC sinabon sa Senado (Sa budget deliberation)
SINABON umano sa Senado ang Philippine Sports Commission (PSC) sa gitna ng budget deliberation sa mungkahi nilang P186.9 milyones para sa taon 2015,
Mukhang umusok ang bumbunan ni triathlete Senator Pia Cayetano.
Madame Senator, kulang pa ho ‘yan pagsabon n’yo diyan sa mga opsiyales ng PSC.
Aba’y kung ako ho ‘yan ay babatukan ko pa ang mga ‘yan!
‘E wala naman umanong pinalakas na sports ang PSC tapos ang laki ng hinihinging budget!?
Aniya, walang tinutukan sa larangan ng sports ang PSC para palakasin sa kabila ng napakataas na budget na nakukuha nila.
Gaya na lang ng kinababaliwang basketball, volleyball at football ng mga Pinoy.
Ang dami nga namang kabataang athlete ang interesado sa mga larangang ‘yan bakit wala man lang napaunlad ang PSC?!
Ang nakakukuha lang umano ng malaking budget ay ‘yung individual sports na kama-kamag-anak pa ng mga opisyal.
Ang katwiran umano ni PSC chair Ricardo “Richie” Garcia, in line umano sa instruction ni PNoy na individual sports na malaki ang potensiyal na makakuha ng medalya at matipid pa umano ang gastos.
Wee?!
Talaga namang nagamit pa ‘yung Pangulo, ano?!
E sa totoo lang, panay ang angal ng mga athlete natin dahil delayed lagi ang allowance nila lalo na sa mga athlete na hindi prioridad ang kanilang sports.
Sobra rin ang politika at palakasan na pinaiiral diyan sa PSC!
Kaya naman lalo tayong nagiging kulelat sa sports competitions gaya sa Asian games at Olympic kasi mali-mali ang prioridad ng PSC.
Tsk tsk tsk …
Aba kung ganyan lang ang sports natin, mas mabuti pang ‘wag na talagang bigyan ng budget ‘yang PSC!
Ano ang kapalit ng FCCCII donation?
NAKATATAWA naman ang isang donation na isinagawa ng Filipino Chinese Chamber of Commerce & Industries Inc. (FCCCII) diyan sa Bureau. Isang Cherry van ang kanilang ibinigay na hindi natin alam kung para saan.
Mas mabuti pa sana na hindi na lang tinanggap ng bureau ang ganitong uri ng donation na hindi klaro kung paano at para saan nila gagamitin.
Hindi kasi magandang tingnan na tatanggap ang BI ng ganyan donasyon mula sa FCCCII considering na napakaraming nahuhuling Tsekwa ngayon na involve sa kung ano-anong iregularidad. Ano naman kaya ang magiging kapalit o pabor ng mga ganitong kagandahang-loob nila?
Hmmmnnn… your guess is as good as mine!
Sa ganang atin, mas makatutulong sa isinusulong na ‘daang matuwid’ ni PNoy kung magkakaroon ng delicadeza ang bureau para isoli ‘yang Cherry van na ang gulong ay parang mas matibay pa ang gulong ng pedicab?!
Yuckks!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com