Thursday , December 26 2024

Bakit si ER lang?

00 pulis joeyITO ngayon ang reaksyon ng supporters ng pinatalsik na Laguna Governor na si “ER” Ejercito, pamangkin ni Manila Mayor Erap Estrada.

Si ER ay pinatalsik ng Commission on Election sa kasong “overspending” noong nakalipas na eleksyon matapos siyang kasuhan ng kanyang kalaban sa politika sa Laguna.

Ang pagpatalsik kay ER ay pinagtibay pa ng Korte Suprema sa desisyong 12-0 ng mga Ma-histrado.

Bagama’t hindi pa “final and executory” ang desisyon ng Korte Suprema ay malabo narin ito mabaliktad lalo’t lahat ng Mahistrado ay pabor sa pagpatalsik kay ER.

Sa totoo lang, lahat naman ng kandidato ay sumusobra sa paggastos tuwing eleksyon. Wala nga lang ebidensyang magdidiin sa mga ito. Mga wise e… Hindi katulad ng kay ER na may mga malinaw na ebidensyang iprinisinta ang naghabla sa kanya tulad ng sobra-sobrang political advertisements sa TV at radyo. May kontrata at resibo ito e… Dapat kasi, sa isang local candidate, ay sa diario lamang naglalagay ng kanilang campaign ads, bukod sa mura na ay paulit-ulit pang nababasa ng mga tao.

Ang masaklap pa nito, ayon sa sikat na election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, kapag naging fnal and executory na ang desisyon ng Korte Suprema sa pagdiskwalipay kay ER at nakasuhan pa ito ng kriminal, hindi na siya maaaring kumandidato, bumoto at humawak ng anumang posisyon sa gobyerno. Patay!

Magaling, masipag at mabait pa naman itong si ER. Sayang naman kung hindi na siya makabalik sa politika. Tsk tsk tsk…

Magsilbing babala na rin sa mga kandidato ang nangyaring ito kay ER. Huwag nang magbuhos ng limpak-limpak na pera sa political ads sa TV at radyo, sa diario na lang kayo magpahayag ng inyong mga plataporma!!!

Senador Alan Peter Cayetano and Cong. Win Gachalian… ‘yung ads n’yo ha? Baka mareklamo at ma-audit rin kayo? Hehehe…

Reaksyon ni Kapitana Puertollano ng Brgy. 407 Sampaloc, Manila

Tumawag sa akin kahapon ng umaga si Punong Barangay Maylene Puertollano ng Barangay 407 sa Sampaloc, Manila. Nagpaliwanag siya tungkol sa naisulat kong sugalan tulad ng ‘color games’ sa kanyang barangay. Hindi raw niya sakop ang naturang site ng peryahan.  Kaya nagtataka siya kung bakit sa kanya lagi ibinibintang ang naturang sugalan. Nakakahiya raw sa kanyang mga ka-barangay. Kaya’t gusto niyang malinis ang kanyang pangalan.

Well, kung hindi nga talaga sakop ni Kapitana Puertollano ang naturang puwesto ng sugalan, wala siyang dapat ikahiya. That’s it!

May bayad ang ‘CR’ sa terminal ng Florida Bus

– Report ko po ang Florda Bus terminal d’yan sa Manila, Sampaloc, na biyaheng Norte. Tama ba yan may bayad ang comfort room. Ihi P5, dumi P10. Grabe kayo! kapal ng mukha nyo. Di na kayo naawa sa pasahero ninyo. Paging Ma-yor Estrada. Tama ba yan? – 09224934…

Grabe na ang droga sa Taguig City

– Dito sa amin sa Taguig City ay grabe po ang droga. Mula sa Barangay Ususan at Barangay Maharlika ay grabeng talamak ang shabu. Sana naman ay kumilos ang mga taga-anti drugs laluna ang PDEA at NBI sa Metro Manila. Partikular po na may bentahan ng shabu sa mga kalye ng Pooland, Imelda Romualdez Marcos, Marawi, Davao at Pendatun Avenue. Lagi pong may patayan dito. Walang pulis na pumapasok dito, takot dahil mga halang ang kaluluwa ng pushers. Sila-sila na ang nagpapatayan. Pag may bagong mukha rito, tinutumba nila. Sana naman maaksiyunan ito ng aming mayora na si Lani Cayetano. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Paging DSWD-Tacloban, naglipana batang mandurukot sa downtown

Mr. Venancio, nananawagan kami sa DSWD na dito po sa may downtown ng Tacloban City ay andaming batang lansangan na ngayon ay mga mandurukot na. Ang gagaling po nila magbukas ng bag. Ang binibiktima po nila ay mga estudyante. Hindi po sila mahuli-huli ng mga pulis kasi po baka matanggal  sila sa serbisyo, kasi mga menor de edad po. Salamat. Pls don’t publish my number. – Concerned citizen

Kung talagang gusto silang hulihin ng mga pulis, puwede naman… i-turnover lang nila sa DSWD pagkahuli.

 Mabagal na serbisyo ng post office

– Mr. Venancio, napakabagal talaga magserbisyo ang post office. Sabi ng taga-SSS Oct. 22 pa na-release ang salary loan ko pero Nov. 25 na ngayon wala parin. Unfair naman sa mga SSS member, malapit na ang salary deduction ‘di ko pa na-receive ang tseke. – 09128978…

Makabububuti na personal mong puntahan yan sa post office baka may problema sa address mo. Check mo…

Ang driver sa amin sa Davao City…

– Dapat po gayahin sa Manila ang patakaran sa Davao City. Sa  Davao po, lahat ng pampasaherong sasakyan na meron franchise ay meron clear laminated xerox ng vehicle documents at picture ng driver sa harap at likod ng sasakyan. Kapag ganyan po ang patakaran, madali na ma-identify ng pasahero ang driver kaya matakot na gumawa ng kalokohan ang driver sa pasahero. – 09356692…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *