ni AMBET NABUS
“WALA sigurong ma-i-isyu,” ang natatawa pang sagot ni papa Zanjoe Marudo noong tanungin ito hinggil sa napabalitang break-up nila ni Bea Alonzo.
Sila pa rin daw at super intact ang relasyon nila kaya’t sorry na lang daw sa mga nagbabalitang wala na sila at nagkakalabuan.
Bida uli ang mas guwapo (at nagkaroon ng aura ayon pa kay Ms. Gloria Diaz) ngayong si papa Zanjoe sa Dream Dad kasama ng bibong si Jana Agoncillo.
“Mukha ngang inire-ready na ako pero sana ma-ready ko rin ang bulsa ko at iba pa,” ang natatawa pang hirit nito sa aming komento hinggil sa kanyang napapadalas na ‘father-roles’ sa mga soap at movie na baka ‘ika ko in preparation sa future role niya for Bea?
“Kayod muna habang may offers. Mas maraming ipon, less worries,” sey pa nito!