INILUNSAD ng Metropolitan Manila Develoment Authority (MMDA) ang Task Force Phantom na tututok sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.
Binubuo ang task force ng 15 traffic constables mula MMDA at 15 miyembro ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police (PNP).
May bagong uniporme at motorsiklo ang mga babae at lalaking miyembro ng task force.
Sumailalim sa mahigit isang buwang matinding security at traffic management training ang mga miyembro ng TF Phantom na kabilang sa mga magbibigay ng seguridad kay Pope Francis sa kanyang pagbisita sa Filipinas sa Enero 15-19, 2014.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang “elite team” na ito ay mag-e-escort din sa Santo Papa at delegasyon sa Leyte.
Bukod sa Papal visit, ang mga miyembro ng task force ay kabilang din sa security contingent sa ibang pang malalaking events tulad ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa susunod na taon gayondin kung may mga VIP na bibisita sa bansa.
Magiging regular ding trabaho ng Phantom ang paghuli sa kolorum na pampublikong sasakyan.
Jaja Garcia