Kinalap ni Tracy Cabrera
NAITANONG ito sa isang magandang dilag, “Ano, single ka pa rin ba?”
Yes, sagot ng tinanong, ngunit hindi rin niya ito kasalanan—ang totoo’y dapat itong sisihin sa kanyang genes.
Nadiskubre ng mga researcher sa Beijing ang isang gene na dahilan kung bakit ang 20 porsyento ng mayroon nito ay mas nanaising maging solo.
Pinabababa ng 5-HTA1 gene ang level ng serotonin sa utak—ito ang kemikal na nagre-regulate ng ating mga mood, kaya kung minsan ay tinatawag din itong ‘happy hormone.’
Ang resulta ng mababang level ng serotonin ay pagiging hindi komportable sa malalapit na relasyon (close relationship) o pigilin ang mga indibiduwal na pumasok sa ganitong kalagayan o situwasyon.
Ang 5-HTA1 gene ay mayroong dalawang version—ang G at C—at 60 porsi-yento ng mayroong G strand ay walang karelasyon, kung ihahambing sa 50 porsi-yento sa mayroong C strand.
Salamat din sa mababang level ng serotonin, yaong mayroong G version ng gene ay mas nakararanas ng pagiging neurotic at depressed.
Pero bago pa man maging hysterical sa finding ng research, mahalagang tandaan na ang ating mga genes ay may maliit lamang na bahagi sa ating mga emotional connection.