Saturday , November 23 2024

Sen. Miriam, isa kang pagpapala… Palasyo/DBM buko!

00 aksyon almarAKALA siguro ng Palasyo ay kakampi na nila si Madame Senator Miriam Defensor. Maling-mali ang Palasyo sa pag-aakala kaya mabuti na lamang at nandiyan ang terror este, deretsong senator ng masa, si Defensor.

Hayun sa pamamagitan ni Sen. Defensor nabuko ang estilong bulok o planong pandurugas ng Palasyo sa mamamayan sa pamamagitan ng Department of Budget Management (DBM).

Batid ng Palasyo na ilegal ang PDAF matapos ideklara ng Korte Suprema, aba’y ipinagpilitan pa rin nilang ipasok sa 2015 budget. Talaga naman. Iyan ba ang malinis na gobyernong PNoy?!

Buti na lamang at nabuko ito ni Madame. Palakpakan ang susunod na Pangulo ng bansa.

Sabi nga ni Miriam, malapit na kasi ang eleksyon kaya kailangan ng admin ang pondo para sa admin candidates na sasabak sa 2016. Akala ninyo makalulusot kayo kay Madame ha. Dehins kayo makalusot .

‘Ika nga, kailanman ang kasamaan ay hindi uubra sa katinohan.

Heto pa ang nabuko ni Madame, hanggang anim na buwan na lang daw ang palugit sa mga departamento sa paggamit ng kanilang pondo para sa 2015 at kung hindi magamit ito pagkalipas ng itinakdang petsa ay ikokonsiderang savings na ito.

Kapag naipasok na sa savings, ang palasyo na raw ang magde-decide kung saan ito gagamitin. Wow, may pondo na para sa mga kurakot na kandidato para sa 2016. Ayos ang buto-buto. Ang linis nga ng tuwid na daan.

Inangalan uli ni Sen. Miriam ang nais ng Palasyo kasabay ng pagsasabing ilegal ito dahil sa batas ay isang taon palugit ang mga departamento sa paggamit ng kani-kanilang pondo.

Iyon naman pala e, o ano buking kayo diyan sa Palasyo.

Hay naku, nasaan ang tuwid na daan na pinagsasabi ng Pangulo ninyo, este pangulo pala ng bansa. Pasalamat ka sa nanay mo dahil kung hindi pumanaw ang kagalang-galang na dating Pangulong Cory, marahil hanggang mambabatas ka lang.

Salamat Madame Miriam sa pagbubuko mo sa patuloy na panloloko ng Palasyo sa bayan, kasabwat ng DBM.

Alam na nga nilang ilegal ang DAP at PDAF hayun sige pa rin sila samantala kapag kalaban nila sa politika ang gagawa ng kung ano-ano ay katakot-takot na imbestigasyon ang kahaharapin.

Mabuti na lamang at hindi hawak ng Palasyo sa leeg si Madame Miriam kundi paktay tayong mga Filipino. Hindi tulad ng ilang mambabatas diyan na obvious na hawak sila ng Palasyo nang nabiyayaan ng milyon-milyong ilegal na DAP o PDAF.

Hay malapit na kasi ang 2016 kaya kanya-kanyang raket lang iyan para magkapondo, este mali hindi pala raket kundi pondo para sa bayan daw.

Pero in fairness sa DBM, para naman wala silang masabi, sabi ni DBM Sec. Abad wala raw naisingit na kung ano-anong pondo sa 2015 pondo lalo na ang tinutukoy na PDAF o DAP. Ganoon ba? Iginagalang natin ang pahayag na ito pero, ang malaking katanungan naman diyan ay aaminin ba nila ang katotohanan?

Ano pa man, salamat Madame Senador Miriam. Isa kang malaking pagpapala sa masa.

O wala bang balak ang Senado na imbestigahan ang Palasyo at DBM sa ibinukong panlilinglang ng Palasyo sa masa, tulad ng ginagawang paggiba este, pag-imbestiga kay VP Binay? Hindi biro itong ibinuko ng Kagalang-galang na Senadora.

***

Para sa inyong komento, reklamo at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *