Sunday , November 17 2024

Ravena, Thompson bida sa collegiate awards

112714  ravena thompson

TATANGGAP ng parangal sina Kiefer Ravena at Earl Scottie Thompson sa Collegiate Mythical Team na ibibigay ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART sa magaganap na 2014 Collegiate Basketball Awards sa Disyembre 4 sa Saisaki-Kamayan EDSA.

Napili sina Ravena at Thompson ng grupo ng collegiate basketball scribes para sa Mythical Team matapos sungkitin nila ang Most Valuable Player award sa kanilang sinalihang liga habang naglalaro sila sa Ateneo at University of Perpetual Help System Dalta ayon sa pagkakasunod.

Inakbayan ni Thompson ang Altas sa pangatlong sunod na NCAA semifinal appearance habang si Ravena ay inakay ang Blue Eagles para ibalik sa UAAP Final Four.

Ang ibang pararangalan sa Collegiate Mythical Team ay sina Mac Belo ng Far Eastern University, Ola Adeogun ng San Beda at Jeron Teng ng De La Salle.

Sina Eric Altamirano ng National University at Boyet Fernandez ng San Beda ay hihiranging Coach of the Year matapos nilang tulungan ang kanilang koponan na makuha ang kampeonato.

Ang nasabing event ay suportado ng Smart Sports, Accel 3XVI at Kohl Industries (Doctor J alcohol, Bactigel hand sanitizer and Mighty Mom dishwashing liquid).

Nanguna si Belo para dalhin ang Tamaraws sa kanilang first finals appearance mula noong 2005 kasama ang memorable buzzer-beating three-point shot laban sa De La Salle sa Final Four.

Kinapos naman ang FEU para makuha ang titulo matapos yumuko sa NU.

Si Adeogun ang isa sa sinandalan ng Red Lions para isubi ang fifth straight championship sa NCAA nang walisin nila ang Arellano sa kanilang best-of-three finals showdown.

Ipinakita naman ni Teng ang kanyang best season sa kanyang collegiate career nang masegundo ito kay Ravena sa MVP race sa UAAP.

Binitbit ni Teng ang Green Archers sa Final Four appearance.

Ang annual event na sinusuportahan din ng San Miguel Corporation, UAAP Season 77 host University of the East, NCAA Season 90 host Jose Rizal University, Gatorade at Philippine Sportswriters Association ay nagpaparangal sa mga outstanding performers ng top two varsity leagues ng bansa. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *