Sa pngnip ko, nasa dagat daw ako, d nmna ako nagsswiming, basta andun lng ako s dgat, tas naman ay bgla humangin ng todo anu kya menshe cnsabi s akin ni2? Kol me mr Gemini, dnt publish my cp plssss….
To Mr. Gemini,
Ang dagat na napanaginipan ay may kaugnayan sa iyong unconscious at sa iyong transition sa pagitan ng unconscious at ng conscious na kamalayan. Ito rin ay may kaugnayan sa iyong emosyon. Posible rin naman na ito ay isang pahiwatig ukol sa mga bagay na dapat mong maintindihan at makita nang mas maayos at malinaw. Maaari rin naman na ito ay pahiwatig sa pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Ito ay nagbibigay din ng hope, new perspective, at positive outlook sa buhay gaano man kahirap ang mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap.
Ang pag-ihip ng hangin ay simbolo ng life force, energy, at vigor. Ito ay nagre-reflect ng mga pagbabago sa iyong buhay. Alternatively, ang panaginip mo ay nagsa-suggest na kailangang ayusin ang iyong pace and work sa paghahangad na maabot ang iyong mga pangarap sa mas mabilis at mas maayos na paraan. Sa kaso mo na malakas ang hangin, ito ay posibleng nagre-represent ng turmoil at kaguluhan. Pati na ng stress sa ilang kalagayan sa estadong ikaw ay gising.
Señor H.