ALAM ba ninyo mga suki and prens, kung bakit ang mga dumarating na mga balikbayan shipments or boxes ay nagiging under alert ng Customs?
Ito ay dahil sa mga nahuhuling ipinagbabawal na gamot at prohibited or restricted medicines sa loob ng balikbayan boxes.
Most of the balikbayan boxes na dumarating from aboard ay talagang may inihahalong assorted medicines for personal use raw ng mga kamaganakan nila na may karamdaman at can’t afford bumili ng gamot kaya kanilang pinapadalhan in small quantity not knowing na ang mga gamot ay kailangan ng import permit sa Food & Drug Administration. Sobrang mahal kasi ng mga gamot dito po sa Pinas.
Kamakailan lang, may nakita ang customs authorities na mga gamot sa balikbayan boxes declared as food supplements. And to be sure ipina-laboratory analysis para malaman kung anong klaseng gamot at kung saan ba talaga ito ginagamit at malaman kung kailangan ba ng permit mula sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) or can be considered as a dangerous medicine.
Dahil nga may kamahalan ang gamot, ang taong nagpadala nito ay dinamihan para maibenta pa.
Ito ang ALPRAZOLAM used to treat anxiety and panic disorder and other illness.
Masasabing illegal drug without a official permit from the authorized government agency at sa dami nito more than 8,152 packs kaya hindi na ito for personal use kundi pang-negosyo na.
May standing order ang Bureau of Customs na 100 percent examination sa lahat ng balikbayan boxes dahil nga sa mga palusot na gamot at beauty products.